Episode 3:
Isla POV:
Para akong nakatirik na kahoy s kinatatayuan ng makita ko ang supladong Greek God na nasa gilid ko nakaupo. "Hey! am I right you're Isla?" para naman akong nagising ng tinanong ulit ako ng guapong makulit na 'to "Ahh.. yeah?" nagugulohan ko pa ring sagot. "yeah with a question mark? you're not sure if you're Isla or not?" kunot noong tanong naman ng guapong makulit na . "I'm sorry Sir, hindi ko lang kasi naaalalang nagkita o magkakilala tayo?" magalang kong sagot sa kaniya. Ito namang isang kasama niya na walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid na patuloy pa rin sa pag hahanap ng makakain sa menu. "it's me Seve, remember? childhood sweetheart mo ako" na naka smile sabay tanggal sa shades niya, at agad namang nag liwanag ang mga mata ko ng maalala s'ya."O my G! yah! I remember you na" talaga namang nabigla ako sa laki ng pinagbago nito, napaka guapo n'ya ang ganda ng ngiti at ang ngipin parang pwede maging model ng toothpaste ibang iba sa Seve noon na chubby at bungal pa at katulad pa rin s'ya ng dati napaka friendly ng awra at masayahin ang vibes, kesa sa isang 'to na nasa gilid ko 'gang ngayon wala pa rin pakialam. "God! it's been a long time, it's nice to see again Is" sabay yakap sa akin na kinabigla ko naman bumitaw naman sya agad at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na para bang manghang mangha s'ya sa akin. Ganun ba talaga ako ka panget dati gusto ko tuloy itanong sa kaniya at parang takang taka sya sa nakikita n'yang Isla ngayon. "Nice to see you again too" habang nakangiti ako sa kanya na para bang nagugulahan sa mga nangyayari.
"Can I have this dish? pinakbet, sinigang na pork and also the bicol express. how about you bro?" biglang basag naman nitong lalaking walang pakialam sa mga nangyayari. "Do you remember her?" sabay akbay ni Seve sa akin na akala n'ya siguro close na ulit kami at pinaharap pa ako sa supladong Greek God "yah" tipid na sagot naman nitong lalakeng suplado "Isla, remember him? My big brother Sid" at ng marinig yun ay para talaga akong nabibingi sa sariling kabog ng aking puso. Ano bang nangyayari Isla para ka namang teenager na nilapitan ng crush! saway ko sa sarili. Relax inhale, exhale!...."Ahm yah medyo nakalimutam ko lang 'yong name kung di mo pinaalala diku pa matandaan" may pagka sarkastikong sagot ko sa inis ko sa pagka suplado n'ya.. "Anyway, baka gutom na kayo?" Humarap ako kay Sid at inulit ang orders nya "So sir you ordered Pinakbet, sinigang na pork and bicol express and how about you Sir Seve?" at bumaling sa kabilang side ..."tss, drop that sir nakakatanda, call me Seve just like before. Just a water please busog pa kasi ako" nakangiti n'yang saad "Okay, Sir and Seve may kailangan pa ba kayo?" habang nakangiting nakatingin sa kanila at ang supladong si Sid hindi man lang nag abalang sumagot sa tanong ko o kahit balingan ako ng tingin busy ito sa kakapindot ng cellphone n'ya "nah! that's all for now, thanks pretty" nakangiting sagot ni Seve sa akin at nginitian ko naman din s'ya ng walang halong ka plastikan dahil mabait s'ya at very friendly, unlike his antipatikong kuya kala mo naman kung sinong guapo nakakainis! Galit ka ba Isla at hindi ka n'ya binigyan ng attention!? My God self don't!? ano ngayon kung hindi ka nya pansinin?.. "Bes!" tawag sa akin ni Mika at seninyasan n'ya akong kakain na at tumango naman ako at bumalik ang naramdaman kong gutom. Binigay ko ang orders nila Sid kay Ma'am Jing para makapag lunch break na ako.
Habang kumakain kami ni Mika hindi pa rin nawawala ang inis ko kay Sid na para bang wala kaming pinagsamahan nung kabataan namin hindi man lang nangumusta ang damuho.. "May problema ba?" tanong ni Mika habang kumakain "Miks, remember Seve and Sid? yung anak ng kaibigan ni Dad na laging andito every summer dati" tumango lang si Mika habang concentrate pa rin sa kanyang pagla lunch "andito sila ngayon sa resort?" nanlaki ang mata ni Mika at excited din s'yang makita ang mga ito at kinikilig pa "o my G! bes, this is the right time na magka boyfriend ka na? dba remember you told me na if mag bo boyfriend ka gusto mo isa sa kanila ang gugustohin mo?" pinandilatan ko sya ng mata at inaamin ko naman na sinabi ko 'yon "hinaan mo nga 'yang bunganga mo Miks! baka dumating sina kuya alam mo naman mga 'yun masyado sensitive pag nakarinig ng boyfriend thing!" nasa house kami kumain para makapag relax ng konti. "Ano kaba naman Precious Island hanggang ngayon ba naman? takot ka parin sa mga kuya mo. e diba nga ang usapan pag naka graduate na tayo, okay na?! pweda ka ng lumandi. Hoy Girl ano inaantay mo 'yung sinasabi mong lalaking pag aalayan mo ng virginity mo at papakasalan ka! paano mo naman malalaman aber kung s'ya na nga ang the one kung hindi ka tumatanggap ng manliligaw?! nasa tamang edad na tayo Is, ano ba!? baka tumanda kang dalaga nyan dhai sinasabi ko sayo, Landi landi din minsan girl para magka lovelife!" mahabang sermon sa akin ng kaibigan ko. Natatawa talaga ako dito sa bestfriend ko kahit praning napapa kinabangan naman pag dating sa mga sekreto at advices may experience na kasi si Mikaela sa pakikipag relasyon hindi sya pinag babawalan ng kanyang mga magulang at kapatid na mag boyfriend simula pa noong high school s'ya, at ako masyado mahigpit ang mga kapatid ko sa usaping boyfriend dahil siguro ako ang bunso at nag iisang babae kaya bantay sirado sila sa akin. Naalala ko pa 'nong nasa high school ako umattend ako mg Prom at sinayaw ako ng ka school mate kung Senior na sikat na varsity player sa school na isa ng sikat basketball player ngayon. Habang sumasayaw kami titig na titig ito sa akin at dahil napaka inosente ko diku alam na akma na pala akong hahalikan nito ng bigla nalang s'yang natumba at nakita kung duguan ang kanyang ilong, at may sumugod ulit sinakyan ito at pinagsusuntok hanggang na realized ko na si kuya Ali pala at pinag susuntok ang nooy kaklase n'ya na nakipag sayaw sa akin sa Prom, buti nalang close ni daddy ang family kaya hindi dinemanda c Kuya Ali. Ito namang si Kuya Arc kapag may lumalapit sa akin at nalaman n'yang manliligaw ko, pinag babantaan nya pala ang mga ito para matakot at di na lumapit sa akin ulit. Napabuntong hininga na lamang ako ng maalala ang mga pangyayaring yun!
Bumalik na kami ni Mika sa resort at dahil tsismosa 'tong best friend ko hindi n'ya talaga ako tinigilan hangga't hindi ko tinuro kung saan naka pwesto sina Seve at Sid at nagtago kami sa my puno ng niyog malapit sa pwesto nila. Nakita namin ang dalawa at seryosong nag uusap.. " huwag mo nga akong itulak Miks baka--" hindi ko natapos ang sinasabi ng bigla itong kiligin na para bang nakakita ng artista "Bes, dba that's the guy na kasabay natin kanina sa elevator na suplado pero yummy".. Nakakainis talaga itong si Mika ang ingay.. "Oo na wag ka masyado maingay d'yan Miks baka mahalata tayo nakakahiya".. Bigla namang tumayo ang dalawang makikisig na magkakapatid at papunta pa talaga sila sa bandang kinaroroonan namin. "oh s**t! Miks papunta sila rito bilis magtago tayo" nataranta kong sabi sa bestfriend ko, agad naman itong sumandal sa punong niyog at kinuha ang cp nya at kunwa'y nagtetext. Sa sobrang kaba at lito ko dahil malapit na sila dali dali kong kinuha ang Cellphone ni Mika at kunware may kausap ako sa phone, agad naman akong napansin ng mga ito lumingon sa amin si Sid pero diku alam kung tumitingin ba ito sa akin o kay Mika pero agad naman itong nagbawi ng tingin at dumako ang tingin sa dagat. "Hey! Isla, marami tayong dapat pag kwentuhan kaya 'wag kang mawawala sa family dinner later".. mabilis na sabi ni Seve na parang nagmamadali din at tuluyan ng nawala sa paningin namin ang dalawa na papunta sa kinaroroonan ng hotel. Nalito naman ako sa sinabi ni Seve na family dinner, sakto naman nag ring ang phone ko na nasa bulsa ko lang pala inagaw ko pa ang cellphone ni Mika dahil sa sobrang kaba kanina.. "Yes, Dad".. "Hija, sweetie we will have a family dinner tonight with the Miranda's kaya mag out ka ng maaga jan sa resort, so you can fix yourself".. saad ni daddy sa kabilang linya.."Dad anong susoutin ko? Formal ba or--?" di pa ako natapos sinagot na ni Dad ang tanong ko. "Wear what makes you comfortable anak, d'yan lang naman tayo sa Resto at gusto din naman kasi namin ng music habang nag bobonding tayo" nakahinga naman ako ng malalim ng sabihin ni daddy 'yon dahil ayaw na ayaw ko sa formal gatherings. Not my thing!
Mabilis lumipas ang maghapon at ng mapansin kong 4pm na agad akong nagpaalam kay Ma'am Jing na mag a out ako ng maaga. Kinapa ko ang cellphone para tawagan si Mika dahil gusto ko s'yang isama alam kong maiinis lang ako sa pagmumukha ni Sid pag nakita ko.. Inaano kaba ni Sid, Isla ha?! oo nga naman.. ano na ba nangyayari sakin nakikipagtalo na ba ako sayo self.. Inhale! exhale! relax Isla! relax! habang naglalakad pauwi sa bahay kinakalma ko ang sarili.. Asan na kaya si Mika? ayaw sagutin yung mga calls ko?! at tinawagan ko si Kuya Arc sinagot naman n'ya ito agad... "Kuya are you going with us sa family dinner with the Miranda's?" tanong ko dito "I can't baby my importante lang muna akong aasikasuhin, okay? but susubukan kong makahabol dun. Iloveyouuu bye!" agad n'ya itong pinutol..wow ha! di man lang ako nakasagot. My phone rang si Kuya Ali "Kuya?".... "sabay na tayo sa Resto maliligo lang ako pagkatapos ko susunduin na kita bye!" pinutol n'ya agad ang tawag kaya pumunta na agad ako sa banyo at naligo... Nakaharap ako ngayon sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili. I'm wearing a floral off shoulder maxi dress na may slit kita ang aking maganda at makinis na hita nakalugay ang aking mataas na buhok na abot bewang na. knock! knock! baka si Mika para masama ko sa dinner dalidali ko itong binuksan pero si kuya Ali ang bumungad sa akin "Hey little sis! Let's go!" napaka guapo ng kapatid ko sa mala Bruno Mars n'yang awrahan.
Para akong kinakabahan habang papalapit kami sa kinaroroonang table nila Dad at habang naglalakad kami ni Kuya Ali nakahawak ako sa braso n'ya na parang batang takot iwanan ng Kuya. "Relax!" malambing na bulong ni kuya alam kasi nila na ayaw ko sa mga gatherings na kagaya nito. Nakita kami ni Dad na papalapit kaya tumayo ito at sinalubong kami at pumunta kami sa harapan ng lahat, kung saan my maliit na center stage para sa nagpe perform na bands. Bineso at niyakap ako ni Dad bago pinakilala sa lahat ng mga nandoon... "Everyone, this is my unica Hija, Precious Island Montemayor".. nakayuko lang ako at hindi masyado tinitingnan ang mga bisita ni Dad pinasara nya kasi ang Resto para ngayong gabi just to bond with the Miranda's. Nginitian ko naman din ang mga taong maka banggaan ng aking mata at laking pasalamat ko na diku nakita ang kinaiinisan ko. Pinakilala naman ni Dad si Kuya Ali "And this is my third son Allison Montemayor"..."Good evening everyone" bati ni Kuya Ali sa lahat habang masayang nakangiti sa lahat. May 6 na table lamang na nilagay dito para sa gathering and malapit sa center stage ang kinaroronan ng mga naka tatandang Miranda's. Di pala kalakihan ang angkan ng mga Miranda dito Isla Katapatan dahil sa nakikita ko halos di aabot ng 20 ang taong narito bukod sa amin medyo tahimik pa ang paligid dahil hindi pa nagsisimula ang band at ang ibang guest naman ay nasa kabilang station ng resort. Kadalasan 7pm start na ng tugtugan, Pero bakit kaya wala pa yung banda na tutugtug ngayon?! Sabagay kaka serve lang ng pagkain sa kada lamesa baka pagkatapos ng dinner pa magsisimula ang gig.
Inikot ko ang aking paningin at nakita ko si Seve na nag wave sa akin, nasa hindi kalayuang table kasama nya 'dun ang mga lalaking parang ka edaran n'ya lang marahil pinsan n'ya ang mga ito, at nag wave back naman ako... napalingon naman sa kinawayan ko si Mrs. Miranda.. "Natatandaan mo pa pala si Seve Hija?" tanong nya sa akin at nakangiti "Ah, yes po Mrs. Miranda" matipid kong sagot.. "Ano ka ba Isla? hindi na tayo iba sa isa't isa. Call me tita" sabi n'yang may kasamang pag lalambing sa boses. "Okay po t-tita" nahihiya kong response sa kanya. "nagkita kami kanina dito lang rin po, nag lunch sila ng Kuya n'ya" dugtong ko pa... "Mabuti naman kong ganun hija, speaking of Sid? Honey, Where's Sid magsisimula na ang hapunan natin" bumaling ito sa asawa nya at kunot ang noo na nag tanong.. "Tatawagan ko muna Hon" tumayo si Mr. Miranda at medyo lumayo sa amin... Bukod kay Mr. and Mrs. Miranda may isa pang lalaki kaming kasama na medyo kaedaran ni Dad at parang kapatid ito ni Mr. Miranda dahil may similarities sila, at ang iba naman na parang kaedaran lang nila Kuya nasa ibang tables masayang nag ku kwentuhan at nag tatawanan habang nagsisimula na din silang kumain. Si Kuya Ali naman nakita kung may nilapitan na babae at naki join ito doon.. D**n! mura ng isip ko parang na oOP na ako ayaw ko talaga ng ganito... Para naman akong nahiya na ako lang ata ang medyo bata sa lamesang ito.. Asan ka ba kasi Miks!? sigaw ng utak ko!?.. Pabalik na si Mr. Miranda sa kanyang kina uupoan "Hon, papunta na si Sid nag check lang daw sya ng e-mails nya saglit" sabay upo nito sa tabi ng asawa na tinanguan lang s'ya.. Nang marinig 'yon bigla naman kumabog ang aking puso parang ayaw makisama, Gosh! parang di ko alam kung paano maupo nako conscious ba ako? Kalma ka self?! Kalma! saway ko sa sarili... "What's wrong hija? parang di ka mapakali? May problema ba?" napansin 'ata ni Dad ang pagkabalisa ko na katabi ko lang.. "Wala naman po hinihintay ko lang si Mika" kaya nagkunwari akobna parang may hinahanap at hindi naman ako nabigo may nahanap nga ako, iyon nga lang hindi si Mika. Isang pamilyar na bulto ng isang lalaki at di ako nagkamali sa iniisip si Sid! at papalapit na ito sa kinaroroonan namin.. Parang nakatingin pa ata ito sa akin! Mapuputol ata ang hininga ko! nagsisigawan na ang mga braincells ko sa sobrang kaba. Jez what's wrong Isla?!
Bakit ganito ang epekto ni Sid sa akin? ganto ba ang love? pwede ba 'yon e di pa nga kami nakaka pag-usap at ayaw ko sa kanya ang suplado! Baliw na ata ako nakikipagtalo ako sa sarili ko..