SOPHIA •••• NAKARATING kami ni Red sa isang pasyalan daw rito sa Pampanga. Hindi ko alam sa lalaking 'to kung bakita napakarami namang pasyalan sa Manila at dito pa naisipan, napakalayo. Kahit sabihin pang masaya naman ako at ito ang kasama ko, pero ang gumala kami sa napakalayong lugar na 'to ay kakaiba para sa akin. Bago sa akin 'to. Ang buong akala ko kay Red ay hindi naman ito adventurous o galang tao, para naman mula Manila naisipan nitong bumaba sa Pampanga. Halos tatlong oras din ang naging byahe namin at mainam na rin ang walang traffic. "Okay ka lang? Nahihilo ka ba?" tanong nito sa akin nang lingunin ako nito. Tapos na yata itong magbayad sa entrance kaya binalikan na ako. Wala naman akong nakikitang delikado sa lugar na 'to at napapansin ko naman ang dami ng taong naglal

