Chapter 19

2252 Words
Lahat ng tao sa bahay ng mga Balley at De Guzman ay busy dahil sa isang napakalaking event na magaganap para sa dalawang pamilya ngayong araw. Ngayong araw na ito ay ikakasal ang dalawang taong akala noon ay hindi magpapakasal. Sinong mag-aakala na ikakasal sila sa taong ayaw din magpakasal noon. Pareho nilang binago ang pananaw ng isa tungkol sa kasal at sa pagmamahal They found their perfect match. “Ikakasal na talaga siya. Iiyak na ba ako nito?” Nagtawanan sina Zaver at mga kaibigan niya sa biro ni Wyatt. “I’m so happy for you, Dude.” Inayos ni Ice ang bow sa suot niyang suit. Nakikita niya sa mukha nito na masaya talaga ito para sa kanya. “I’m happy that you finally found the right woman for you.” “Aww… Mukhang kailangan ko nang humanap ng akin. Kailan ko kaya siya makikilala?” buntong-hiningang tanong ni Wyatt habang nakapahalumbaba. “Gago!” signahl ni Ice dito. “Nahanap mo naman na kasi, matagal na. Nasa harap mo na, nagbubulag-bulagan ka pa.” Kumunot ang noo nito. “Sino naman ‘yon?” “Eh, sino pa? Eh, di si Madison,” mapang-asar na sabi ni Dylan. “Ewww… Ang babaeng ‘yon?” Umiling-iling ito. “Nakita mo ng amazona ang babaeng ‘yon. Mas lalaki pa kung kumilos sa akin at saka kaibigan lang ang turing ko sa babaeng ‘yon, no.” “Asus! Baka magulat na lang kami isang araw na kayo na pala ang susunod na ikakasal.” Napailing-iling ito habang nagha-hand gesture ng no. “Ay, hindi mangyayari ‘yan. Baka nakakalimutan niyo na si Aiden ang susunod na isasakal este ikakasal sa atin magkakaibigan,” nakangising sabi ni Wyatt habang nakatingin kay Aiden na napapailing na lang. “Ako na naman ang nakita mong ugok ka.” Sa susunod na taon na din kasi ikakasal si Aiden at ang girlfriend nito na si Apple. Apat na buwan na itong buntis. Kung ang kaibigan niya lang ang masusunod ay gusto na nitong pakasalan agad ang dalaga kaso ay ayaw ni Apple. Gusto nitong maglakad sa altar nang hindi malobo ang tiyan kaya napagdesisyonan na lang nila na magpakasal pagkatapos nitong manganak. Unti-unti na ding nahahanap ng mga kaibigan niya ang mga taong magmamahal sa mga ito. Sina Dylan at Wyatt na lang ang wala pa. Si Wyatt naman ay nasa tabi na nga niya ang babae pero tinatanggi pa nito. Ayaw umamin na may gusto ito kay Madison kahit pa close na close ang dalawa. HINDI maiwasan ni Blaire na maiyak sa tuwa nang makita ang nag-iisa niyang anak na nakasuot ngayon ng wedding gown at ikakasal na sa lalaking mahal nito. Akala niya noon ay magiging pangarap na lang para sa kanya ang makita itong nakasuot ng wedding gown dahil sa kahit anong pilit nila noon na magpakasal ito ay ayaw talaga nito, pero ngayon… “Ano ba naman niyan, Mom? Para naman akong bibitayin sa iyak mo na ‘yan.” Sinamaan siya nang tingin ng ina. “Huwag na lang kaya ako magpakasal. Umiiyak ka na, eh.” “Tumigil ka nga diyan, Lher. Kung hindi lang kita anak, kanina pa kita binatukan. Ngayon ka pa talaga uurong sa kasal gayong handa na ang lahat? Na patay na ang mga baboy at baka.” “Tsk! Pwede naman kasi ‘yong ipakain pa din sa mga bisita kahit walang kasal na magaganap.” “Tumahimik ka, Sky Lher! Ayos-ayusin mo nga ‘yang ugali mo. Hindi ka na dalaga, mag-aasawa ka na. Baka mamaya ay iwan ka ni Zaver dahil diyan sa ugali mo.” Ngumisi siya sa mommy niya. “Iyon nga ang mga nagustohan niya sa akin, Mom, eh. Isa pa, ‘yon? Iiwan ako? Imposible,” naiiling niyang sabi. “Baka nga mas piliin no’n ang magpakamatay kaysa ang iwan ako, eh.” Napailing na lang ang ina niya sa mayabang niyang ugali. Wala siyang magagawa dahil gano’n siya at isa pa, ‘yon naman ang totoo. Gano’n siya kamahal ng binata. Napatingin si Sky sa salamin, tiningnan nito ang buong itsura niya. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na ikakasal na siya, na mag-aasawa na siya. Noon ay hindi niya nakikita ang sarili na ikakasal, ngayon ay hindi na niya makita ang sarili na wala sa tabi ni Zaver. Mukhang naging malubha na din ang tama niya sa binata. Ito lang din kasi ang nakapagparamdam sa kanya ng kilig, sakit, selos, at ng sobra-sobrang tuwa kapag kasama niya ito. Madami siyang manliligaw mula pa noon. May mga gwapo, mayayaman, pero ni minsan ay hindi niya nakita ang sarili na kasama ang mga ito. Tanging kay Zaver niya lang nakita ang magiging future niya. “Ikakasal ka na talaga, Dude!” Napatingin siya kay Fin mula sa salamin. “Sa totoo lang, nagdadamdam ako dahil hindi ako ang groom.” Natawa na lang siya. “Baliw.” Ngumiti ito sa kanya. “Pero seryoso, masaya talaga ako para sa ‘yo, Dude.” Hinawakan siya nito sa magkabila niyang balikat at nakangiti siyang tiningnan mula sa salamin. “I’m hoping for your happiness.” “Alam ko.” “Iyan! Isa ‘yan sa mga ugali mong mami-miss ko. Iyang ugali mo na imbes na magpasalamat ay iba ang sasabihin.” Natawa na lang siya sa kaoehan nito. “Kung maka-miss ka naman, akala mo ay hindi na tayo magkikita. Magpapakasal lang ako at hindi pupunta ng ibang bansa.” “Parang gano’n na din kasi. Lalo na magiging asawa mo na ‘yon. Alam mo naman na malaki ang galit no’n sa akin.” Tumawa ito dahilan para mainis siya. “Iniinis mo din naman kasi.” Sinamaan niya ito nang tingin. “Akala mo ba hindi ko napapansin na sinasadya mo siyang pagselosin?” Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Ang sarap niya din kasing inisin, eh. Masyadong maikli ang pasensya.” Napailing-iling na lang siya. “Mag-best friend nga tayo.” Pareho kasi silang mahilig mang-inis kaya walang nambu-bully sa kanila noon, eh. Kasi kapag may nam-bully sa kanila ay iniinis nila ito hanggang sa mapikon. MAHIGPIT ang hawak ni Sky sa bulaklak niya habang nakatayo sa harap ng nakasaradong pinto ng simabahan kung saan magaganap ang pag-iisang dibdib nila ni Zaver. Hindi niya mapigilan ang kaba na nararamdaman niya. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya kinabahan ng ganito. Hindi niya maintindihan ang naghahalong kaba at saya na nararamdaman niya ngayon. Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal? Nakakakaba na masaya. Naghahalo-halo ang mga emosyon niya ngayon. Ngumiti siya kahit kinakabahan nang bumukas ang pinto. Nakatingin sa kanya ang lahat ng tao na nasa loob. Mas napangiti siya sa isipin na kapag narating na niya ang dulo ay makikita na niya si Zaver. Nagsimula nang tumugtog ang wedding song nila na hudyat na para maglakad na siya. Dahan-dahan ang lakad niya sa pulang carpet na may nagkakalat na pula at puting petals ng roses. Kasama niya sa paglalakad ang daddy at mommy niya na hindi maiwasang umiyak. Palihim na lang siyang natawa dahil baka mabatukan na siya ng ina niya. Kanina pa kasi niya ito tinutukso sa pag-iiyak nito. Parang ang mommy naman niya ang ikakasal, dinaig pa siya sa pag-iyak, eh. Maganda ang pagkaka-arrange ng simbahan dahil sa wedding coordinator na kinuha nila. Madaming bulaklak sa paligid. Sa bawat upuan na madadaanan niya ay may mala-bridge na bulaklak na nagka-connect sa magkabilaang upuan. Para tuloy siyang naglalakad sa ilalim ng mga bulaklak. Gusto niya sana isang simpleng kasal lang dahil sapat na sa kanya na maikasal sa lalaking mahal niya pero hindi pumayag si Zaver at ang pamilya nila. Minsan lang ito mangyari sa buhay at para sa mga ito ay isa itong malaking pangarap sa mga ito kaya dapat engrande. Wala na siyang nagawa dahil siya lang naman ang may gusto ng simple samantalang buong angkan ang kalaban niya. Kung pwede lang ay umurong siya, pero syempre hindi niya gagawin. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng malaki nang makita si Zaver malapit sa may altar. Kahit medyo malayo pa siya ay sinasalubong na siya nito ng may ngiti sa labi nito. Palihim nitong pinunasan ang mga mata nito. Alam niyang naiiyak na ito sa tuwa. Gusto na nga din niyang maiyak dahil sa tuwa pero pinipigilan niya lang dahil ayaw niyang mawala ang pagiging maangas niya sa binata. Baka mamaya ay tuksuhin siya nito. Habang nakatingin siya sa binata ay unti-unti naman niyang naaalala ang mga panahon na magkasama sila ng binata. Ang araw kung kailan sila unang nagkakilala ng binata. Ang isang gabi na pinagsaluhan nila, na kahit isang gabi lang sila nagsama ay nabuo agad ang kambal nila. Ang dalawang anghel na nagbigay kulay sa mga buhay nila. Ang dalawang anghel na tuluyang magpapadugtong sa kanilang dalawa. Nang una pa lang niyang makita ang binata sa club ay nasabi na niya sa sarili niya na ito ang gusto niyang magiging ama ng anak niya. Anak lang naman ang gusto niya dito pero hindi niya inaasahan na pati ito ay makukuha niya. Walang araw na hindi siya natutuwa kapag kasama niya ang binata. Siguro ay dahil palagi itong napipikon sa tuwing iniinis niya ito. Hindi siya nabo-boring kapag ito ang kasama niya. She still can’t believe what’s happening right now. Inilahad ng daddy niya ang kamay niya kay Zaver nang huminto na sila sa harapan nito. “Ipagkakatiwala ko sila sa ‘yo kaya ingatan mo ang anak at mga apo ko, Zaver.” Ngumiti si Zaver sa ama niya. “I will, Dad. I promise, I will take care of my family.” Masayang kinuha ni Zaver ang kamay ni Sky saka sabay na humarap sa altar. Nagsimula na ang seremonyas ng pag-iisang dibdib nila. “Pwede niyo nang sabihin ang mga pangako niyo sa isa’t-isa,” sabi ng Pari. Humarap silang dalawa sa isa’t-isa. Kinuha ni Zaver ang singsing saka dahan-dahan na isinuot sa palasingsingan ni Sky habang sinasabi nito ang mga pangakong tutuparin nito para sa dalaga. “Sky Lher De guzman, I just wanted to say thank you for coming into my life. Thank you for choosing me. Thank you for saving me from my dark and boring life before. Binigyan mo ng kulay ang buhay ko at saya nang bigyan mo ako ng dalawang cute na anak. You became my angel and my strength at the same you became my weakness. You shake my peaceful world, especially in my bed.” Hindi maiwasan ni Sky na panlakihan ng mga mata si Zaver dahil sa mga pinagsasabi nito. Marami pa namang tao ang nakikinig sa kalokohan nito. “Nakalagay na din sa singsing na ito ang buo kong pangalan, in case na may balak ka na namang kalimutan ang pangalan ko.” Nagtawanan ang mga tao, at pati na din si Sky dahil sa sinabi nito. “I love you, Sky. I really do.” Hinalikan nito ang kamay niya habang nakatingin sa kanya. “I will love you and our kids until my last breath.” Napangiti siya dahil para sa kanya ay ang mga sinabi na nito ang pinakamatamis na salitang narinig niya buong buhay niya. Kinuha naman niya ang singsing saka dahan-dahan na isinuot ito sa binata. “Zaver Balley, I just wanted to say thank you for giving me two beautiful children. Isang semelya lang naman ang hiningi ko sa ‘yo, pero dahil sa mapagbigay ka, dalawa ang binigay mo.” Nagtawanan na naman ang mga tao at napailing naman si Zaver. “The first time that I saw you, nasabi ko sa sarili ko na ikaw ang gusto kong magbigay ng anak sa akin. Anak lang naman ang hiniling ko, pero bakit pati sarili mo binigay mo?" “Syempre, dapat all in one package.” Napuno na naman nang tawanan ang buong simbahan. “Thank you so much for loving me, despite of my attitude. Thank you for all the things that you have done for me, kahit hindi ko hiniling. Wala na akong iba pangmahihiling dahil masaya na ako sa ‘yo at sa mga anak natin. Hinding-hindi ko na din makakalimutan ang pangalan mo dahil hindi lang sa singsing nakaukit ang pangalan mo kung hindi pati na din sa puso ko. I can’t believe that I’m in love with the womanizer called, Zaver Balley.” “That was before, Honey. Baka sabihin ng mga tao dito na womanizer pa din ako.” Tumingin ito sa mga tao. “Nagbago na po ako, matagal na.” Nagtawanan naman ang mga tao. Napailing na lang siya habang natatawa. “Masyadong defensive, ah.” “Syempre. Baka sabihin nila, lalo na ng mga magulang mo na hindi pa ako nagbago. Baka mamaya sumigaw sila nang itigil ang kasal.” “Baliw.” Ngumiti lang ito sa kanya. “I love you, Mr. Zaver Balley,” “I love you, too, Mrs. Sky Lher Balley.” Nagpatuloy ang seremonyas hanggang sa matapos ito. “Let’s all welcome, Mr. and Mrs. Balley.” Humarap silang dalawa sa mga tao na nagpapalakpakan. “And now, you may share your first kiss as a husband and wife.” Nagsigawan ang mga tao sa sinabi ng Pari. Humarap naman sila sa isa’t-isa. Inalis na ni Zaver ang belo na nakagharang sa mukha niya. Hinawakan nito ang pisngi niya at napapikit na lang siya para salubungin ang labi nito. Hindi nagtagal ay nagsigawan ang mga tao nang magdampi na ang mga labi nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD