Chapter 12

863 Words
Tumigil ang mga kamay ko na may hawak na kumot sa tapat ng dibdib ni Mr. Thompson ng biglang bumukas ang pinto ng silid. Napatayo ako ng tuwid habang ang dalawa kong kamay ay napahawak sa laylayan ng suot kong duster. Kinabahan ako ng pumasok ang isang magandang babae. Tulad ni Mrs. Thompson, ang awra nito ay naghuhumiyaw sa karangyaan. Katunayan ang mga alahas niyang kumikinang na bumagay sa makinis at maputi nitong balat. Ngunit ang higit na umagaw ng atensyon ko ay ang mga mata nitong nanlilisik sa galit, parang gusto na ako nitong patayin. Nalipat ang tingin ko sa bandang likuran ng babae ng biglang lumitaw ang matapang na mukha ni Mrs. Thompson. “Tita, why did you let her stay here!?” Mataray at maarteng tanong ng babae bago nito pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo. Ewan ko ba, ngunit ang nakikita kong ekspresyon mula sa mukha nito ay tila inggit at pagkamuhi. “You don’t have to worry, Iha, she’s a piece of garbage na kailangan na maglingkod sa pamilya ko. This girl is a criminal, siya ang responsable sa sinapit ni Alistair ko.” Mataray na sabi ni Mrs. Thompson, at pinukol ako nito ng isang nang-uuyam na tingin. Ngunit ang mas pinagtuunan ko ng pansin ay ang pangalan ni Mr. Thompson. Sa tagal na pananatili ko kasi dito sa loob ng silid ay ngayon ko lang naalala na Alistair pala ang pangalan ng lalaking inaalagaan ko. “Pak!” Nagising ang diwa ko dahil sa isang malakas na sampal, hindi ko napansin ang mabilis na paglapit ng babaeng ito at ang sampal nito ang gumising sa diwa ko. Bakit ba paborito ng mga tao dito sa bahay na ito na sampalin ang mukha ko? Labis ang pagkamuhi nila sa akin na kulang na lang ay burahin ang mukha ko sa pamamagitan ng sampal. “Ang lakas ng loob mo na takasan ang kasalanan mo sa fiance ko! Hm, you deserve for being slave here, tita is right, magaling ka pa lang magpanggap na inosente kaya walang hirap na nakalusot ka noon sa korte.” Mataray nitong wika na sinabayan pa ng isang pag-ismid. “I’m sure hindi lang ‘yan ang sasapitin niya sa oras na magising ang anak ko, I know my son, hindi siya titigil hanggat hindi niya nakikita na nagdurusa ang taong may malaking kasalanan sa kanya. Hm.” Matapang na pahayag ni Mrs. Thompson, sabay wasiwas sa ere ng mamahalin nitong abaniko bago nagpaypay na wari mo ay init na init gayung de aircon naman ang buong silid. Hindi ko na magawang ipagtanggol ang aking sarili. Sa sitwasyon kong ito ay ang pananahimik na lang mas mainam na sandata upang protektahan ang aking sarili. Kung magsasalita pa ako ay may posibilidad na maprovoke sila at lalo lang akong masasaktan. Napansin ko na natigilan ang babae sa sinabi ni Mrs. Thompson, hindi rin nakaligtas sa akin ang biglang paglunok nito maging ang mabilis na pagdaan ng kabâ sa mukha nito. Isa ito sa mga pinag-aralan namin noon sa school, kung paanong basahin ang saloobin ng suspect sa pamamagitan ng mga ekspresyon sa mukha nito. At base sa nakikita ko ay mukhang may tinatago ang babaeng ito mula kay Mrs. Thompson. Halatang hindi kumportable ang babae sa aking harapan. “Your right, Tita, and I’m sure mas malalâ pa ang sasapitin mo sa oras na magising si Alistair, baka pagsisisihan mo pa na isinilang ka sa mundong ito.” Tila nananakot na wika ng babae habang nakangisi ito sa akin. Ngunit, iba ang sinasabi ng kanyang mga mata, dapat ako ang kabahan ngunit di yata’t siya pa ang mas kinakabahan sa aming dalawa? Halatang pilit nitong itinatago ang kanyang emosyon sa paningin ni Mrs. Thompson. “Let’s go, Iha, dahil may kailangan pa tayong ayusin para sa kasal ninyo ng anak ko.” Ani ni Mrs. Thompson at nauna na itong lumabas ng silid. Isang nakamamatay na tingin ang iniwan niya sa akin bago ito umalis sa harapan ko. Nang ako na lang mag-isa sa loob ng silid na ‘to ay nanghihina na umupo ako sa gilid ng kama. Tulad ng nakasanayan kong gawin ay kinuha ko ang kamay ni Mr. Thompson. Wala sa loob na napangiti ako habang nakatingin sa gwapo nitong mukha. Sa tuwing tumititig ako sa mukha ng lalaking ito ang lahat ng nararamdaman kong lungkot o bigat sa aking dibdib ay dagling napapawi. “Alistair pala ang pangalan mo, pasensya ka na at ngayon ko lang naalala. Alistair, ikaw na lang ang pag-asa ko, pakiusap, gumising ka na.” Malungkot kong bulong sapat lang upang kanyang marinig. Pagkatapos na sabihin iyon ay inilagay ko sa aking pisngi ang kamay nito at parang akala mo’y pusa na bahagya itong ikiniskis. Maya-maya ay maingat ko itong ibinaba sa kama at tumungo sa loob ng banyo upang maligo.” Sa pagtalikod ni Louise ay hindi na niya nakita pa ang paggalaw ng isang daliri ni Mr. Thompson. Tila isang palatandaan na nalalapit na ang paggising ng binata. Ngunit walang kasiguraduhan kung anong kapalaran ba ang naghihintay kay Louise sa oras na magising na ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD