Tulala at tila wala sa kanyang sarili ng datnan ni Denice ang kaibigan niyang si Louise, habang nakasandal ang likod nito sa head board ng hospital bed. Tila piniga ang puso niya at matinding pagkahabag ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Ni halos hindi man lang nito naramdaman ang kanyang pagdating. Hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa kama na kinauupuan ni Louise ay nanatili lang itong nakatitig sa labas ng bintana. Tahimik na umupo si Denice sa gilid ng kama saka naluluha na dinampot niya ang kamay ng kanyang kaibigan. Naisip niya, sadyang kay laki na ng kanilang pinagbago. Nawala na ang dating sigla at kainosente nito sa lahat ng bagay. Nagugunita pa niya noong mga panahon ng kanilang kabataan. Wala itong ibang inisip kundi ang matulungan siya sa kanyang pag-aaral para

