“Wear this.” Seryosong utos sa akin ni Mr. Alistair. Ngunit, nanatili lang ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa kanyang mukha. Marahil ay napansin niya na nakatulala lang ako sa kanya kaya nagpakawala muna siya ng isang marahas na buntong hininga bago muling nagsalita. “What?” Kunot noo nitong tanong sa matigas na tinig. Napakasuplado ng dating nito ngunit para sa akin ay ito ang dahilan kung bakit mas lalong tumingkad ang taglay niyang kagwapuhan. Pagkatapos na magtanong ay mataman niyang tinitigan ang mukha ko. “O-Okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong sa kanya, dahil kagigising lang nito kaya sigurado ako na makakasamâ para sa kanya ang labis na paggalaw. Pagkatapos kong tanggapin ang t-shirt na ibinigay niya sa akin ay nagmamadali akong tumalikod at kaagad itong isinuot b

