“Kanina pa ako nakatulala sa mukha ng aking anak habang isa-isang inaalisa ang bawat parte ng mukha nito. Ang hugis ng kanyang mga kilay… tukso naman na lumitaw mula sa balintataw ko ang mukha ng aking asawa. Ang mga mata ni Aiden na sa biglang tingin ay iisipin mo na katulad ito ng mga mata ko pero kung iyong susuriing mabuti ay tila pinagsamang mata namin ni Alistair. Bumaba ang tingin ko sa ilong ng aking anak at ngayon ko lang napansin ang pagkakahawig nito mula sa matangos na ilong ng aking asawa. Maging ang mga labi nito, baba at hugis ng mukha. Habang isa-isang sinusuri ang lahat sa aking anak ay tila mas lalong bumibigat ang dibdib ko. “Ma’am, are you okay?” Nag-aalala na tanong sa akin ng aking assistant, bigla, nabalik sa reyalidad ang isipan ko. Saka ko lang napagtanto na pino

