Marahang bumukas ang aking mga mata, at tanging puting kisame ang tumambad sa aking paningin. Ibinaling ko ang tingin sa nakabukas na bintana habang ang puting kurtina nito ay bahagyang inililipad ng sariwang hangin. Maaliwalas ang panahon at napakapayapa ng kapaligiran sa labas ngunit para sa akin ay walang buhay ang mga ito. Pagkatapos sa labas ng bintana ay lumipat ang tingin ko sa magulong kama na aking kinahihigaan. Wala na si Mr. Alistair at tanging ang bakanteng bahagi ng kama ang aking nagisnan. Nanghihina na bumangon ako at hubo’t-hubad na humakbang papasok sa loob ng banyo. Kusang nalaglag ang mga luha ko sa mata ng makita ko ang maraming pasa sa buong katawan ko. May ilang marka pa ng kagat na makikita sa balat ko. Nanginginig ang mga kamay na pinahid ko ang aking mga

