“Mommy!” Naalimpungatan ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ng aking mga anak. Sa pagmulat ng aking mga mata ay sumalubong sa aking paningin ang tatlong anak ko na nag-uunahan na makapasok sa loob ng silid naming mag-asawa. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko at nagmamadaling bumangon habang kipkip ang kumot sa tapat ng dibdib ko.
Nang kumilos ako ay naalimpungat si Alistair at mabilis na bumangon din ito habang nakatitig sa mga bata, halatang inaantok pa rin ito ngunit kalaunan ay lumapad ang ngiti sa mga labi ng aking asawa ng masilayan niya ang mukha ng aming mga anak na puro lalaki. Kaagad na inabot ko ang aking roba na nakatupi sa gilid ng kama at may pagmamadali na isinuot ito. Wala kasi akong saplot sa katawan. Samantalang si Alistair ay tanging puting brief lang ang suot nito kaya nakahantad ang maskulado nitong katawan.
“My sons!” Sabik na bigkas ni Alistair habang nakalahad sa ere ang mga braso nito. Ngunit natigil sa paghakbang ang aking mga anak habang nakatitig sa mukha ng kanilang ama. Marahil sa tagal na hindi nila ito nakita ay naninibago na sila dito. Napansin ko na lumambot ang mukha ni Alistair na tila nasaktan sa naging reaksyon ng kanyang mga anak dahil hindi na yata siya kilala ng mga bata.
Patuloy lang sa paghakbang ang bunso ko palapit sa akin at ng nasa gilid na ito ng kama ay kaagad ko itong binuhat at ikinulong sa mga bisig ko. Pinupog ko ng halik ang cute nitong pisngi kaya naman tuwang-tuwa ito sa galak. Sa akin lang lumapit ang aming mga anak habang ang kanilang ama ay malungkot na nakamasid sa aming mag-ina. Ewan ko ba, pero hinaplos ng awa ang puso ko, na kung tutuusin ay dapat matuwa ako dahil kahit sa ganitong paraan ay nakaganti na ako sa kanya. Pero iba ang sinasabi ng puso ko bilang asawa.
“Aiden, lumapit ka kay daddy, namimiss ka na n’ya.” Malambing kong utos sa aming panganay na anak, habang sinabayan pa ito ng isang tango. “D-Daddy?” Nahihiya na tawag nito sa kanyang ama, lumapad ang ngiti ni Alistair at mabilis na tinawid ang kanilang pagitan. Mahigpit niya itong niyakap at masuyong pinaliguan ng halik ang buong mukha nito. Kahit papaano ay natutuwa pa rin ako sa aking asawa dahil nakikita ko kung gaano niya kamahal ang anak ko kahit na hindi siya ang ama nito.
Dahil sa ginawa ni Alistair ay nakuha rin niya ang atensyon ni baby Julien at ng pangalawa naming anak na si Marcus at kusang lumapit sa kanya ang dalawang bata. Naglalambing na yumakap sila sa kanilang ama. Natutuwa na sabay ikinulong ni Alistair sa kanyang mga bisig ang aming mga anak habang isa-isa itong pinupupog ng halik.
Natigilan akong bigla ng mapagtanto ko na kanina pa pala ako nakangiti habang nakamasid sa aking mag-ama. Tila napahiya ako ng mahuli ko na nakatitig sa mukha ko ang aking asawa na para bang natutuwa ito sa kanyang mga nakikita.
Napalis ang mga ngiti labi ko at tahimik na umalis ng kama saka tinungo ang banyo upang maligo. Sa tuwing nasa paligid ang aking mga anak ay mabilis na naglalaho ang lahat ng sama ng loob ko sa asawa ko at kaagad na lumalambot ang puso ko.”
Tanging brief lang ang suot ni Alistair ng lumabas ng silid habang nasa mga bisig nito ang kanyang mga anak. Nagulat ang kanilang mga kasambahay, pati ang yaya ng mga bata ng masilayan ang kakisigan ni Mr. Thompson, kaya mabilis na nagsiyuko ang mga ito. Makikita sa mukha ng mga bata ang labis na kasiyahan dahil kasama nila ngayon ang kanilang ama. Halatang sabik ang mga ito sa atensyon ng isang ama.
“Dad, why do you always leave us? Don't you love us anymore?" Malungkot na tanong ng panganay niyang anak. Kahit anong tapang at bagsik ng mukha ni Alistair ay nandun pa rin ang pusong ama nito. Nakukunsensya na ngumiti siya sa anak bago hinagkan ang matambok nitong pisngi. "I'm sorry, Son, but I promise that you will always be with me now because you will be coming with me back to the Philippines." Ikinatuwa ito ng mga bata at mula sa inosente nilang mukha ay lumitaw ang isang matamis na ngiti.
Ibinaba ni Alistair ang mga anak sa salas at walang pakialam sa presensya ng mga kasambahay na tumungo sa kusina. Mas pinili na lang ng mga kasambahay na manatiling nakayuko ang kanilang mga ulo upang hindi na makita pa ang nakakatakam na katawan ni Mr. Thompson. Pagkatapos uminom ng tubig ay humakbang ang mga paa ni Alistair patungo sa hagdan ngunit matigil siya sa paghakbang ng makita ang asawa na kalalabas lang ng kwarto. Nakasuot ito ng corporate attire habang nakasukbit ang mamahaling bag nito sa kanay balikat n’ya halatang paalis ito.
Lumalim ang gatla sa noo ni Alistair, kasunod nito ay nagdilim ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Where are you going?” Seryoso niyang tanong sa asawa ngunit ramdam mo mula sa tinig nito ang pagtutol sa pag-alis ng kanyang asawa.
“May hearing ako, around ten o’clock.” Nakangiting sagot ni Louise bago tumingin sa relong pambisig nito. “You’re not leaving.” Matigas na wika ni Alistaire kaya mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Louise. “Not this time, Alistair, importante sa akin ang kasong ito.” Matigas na pahayag ni Louise, makikita sa mukha niya na sa pagkakataong ito ay wala siyang balak na magpatalo sa kanyang asawa. Ilang segundo na nagkatitigan ang dalawa. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Louise bago muling nagsalita.
“You told me that we’re going back to Philippines, could you please give me a time para ayusin ang lahat ng commitment ko dito bago tayo umalis?” Sa pagkakataong ito ay naging malumanay na ang pagasasalita ni Louise na may bahid pakiusap. Nagpakawala ng marahas na buntong hininga si Alistair bago sumagot. “I’ll go with you.” Pagkatapos sabihin ‘yun ay pumanhik na ito ng hagdan at nilampasan ang kanyang asawa.
Kaagad na lumapit si Louise sa kanilang mga anak upang asikasuhin ang mga ito, isinama niya sa loob ng dining room ang mga bata at katuwang ang mga yaya nila na inihanda ang almusal nilang mag-anak. Saktong pagpasok ni Alistair sa pintuan ng dining room ay naghihintay sa kanya ang mag-ina ngunit kasalukuyan ng pinapakain ng mga Yaya ang kanilang mga anak. Nang nakaupo na si Alistair sa sentro ng mahabang lamesa ay tumayo sa Louise upang personal na asikasuhin ang kanyang asawa. Ganito ang gusto ni Alistair na nasa kanya lang ang atensyon ni Louise. Isang mabining halik ang iginawad muna ni Louise sa mga labi ng asawa bago niya simulang pagsilbihan ito.
“We’re getting married, pagbalik natin sa bansa.” Ito ang nagpatigil kay Louise sa akma niyang pagsubo ng pagkain. Wala sa sariling napatingin siya sa seryosong mukha ng kanyang asawa. “Bakit pa? Hindi ba’t kasal na tayo?” Parang walang buhay na tanong ni Louise kaya napatiim-bagâng si Alistair dahil ramdam niya ang di pagsang-ayon nito sa kanyang nais.
“Aren’t you happy na muli kitang pakakasalan?” Sarkastikong tanong nito sa asawa, isang pilit na ngiti ang lumitaw sa bibig ni Louise bago sumagot. “I’m happy to hear that, dahil magpakasal man ako o hindi ay wala pa ring magbabago sa takbo ng buhay ko.” Walang buhay sa sagot ni Louise sabay dampot sa kanyang tsaâ. Hindi maitatanggi na nasaktan si Alistair sa tinuran ng kanyang asawa kaya nanatili lang itong seryoso na parang kay lalim ng iniisip nito.
Lumipas ang maghapon ay naayos na ni Louise ang mga dapat asikasuhin, ipinasa rin niya sa kasamahang abogado ang ilang mga kaso na kanyang hawak. Ngunit, kaka’twang habang nakikipag-usap siya ay laging nasa tabi niya ang asawa. Salang madikit ni dulo ng daliri niya sa ibang lalaki dahil ang itsura ng mukha nito ay parang isang masamang panahon na nagbabanta ng isang malaking delubyo.
“Bakit nakasimangot ka? Kanina panay ang ngiti mo sa mga lalaking ‘yun! At ngayon ako naman ang kasama mo ay hindi maipinta ‘yang mukha mo.” Matigas na tanong ni Alistair sa nahahapong asawa. Pakiramdam ni Louise ay naubos ang lakas niya hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa asawa niya na lahat na lang ay pinaseselosan nito. Pati ba naman ang pagngiti niya ay sisitahin pa nito?
“Oh, come on, Alistair, enough, okay.” Kahit na niinis na sa asawa ay sinikap pa rin niya na lamibingan ang timbre ng kanyang boses. Kaya upang matigil na ito ay napilitan siya na lambingin ang asawa bago masuyong hagkan ang mga labi nito. Natahimik naman si Alistair at mahigpit na niyakap ang asawa na parang akala mo ay mawawala ito sa kanyang tabi.