“Attorney. Louise Thompson, totoo ba na tinangka mong lasunisi Mrs. Barbara Thompson dahil sa hindi magandang pagtrato niya sayo?” “Ginawa mo ba ‘yun para tuluyang mapunta sayo ang pamamahala sa kumpanya ng mga Thompson?” Ang mga katanungan na ito ang siyang nag patigil sa paghakbang ng mga paa ni Louise. Seryoso ang mukha na hinarap niya ang makulit na media. Kalalabas lang nito ng Majestic Thompson Company, at labis niyang ikinagulat ang maraming media na sumalubong sa kanya sa entance ng kumpanya. “Do you know who you are talking about? She’s my Mother in-law, hindi ko alam kung sino ang nagpakalat ng maling impormasyon na inyong nalalaman. Lalabas ang katotohanan at darating ang panahon na makukulong ang dapat na makulong.” Matigas ngunit makahulugan na sagot ni Louise habang ma

