Parang pinitpit na luya ang itsura ni Louise habang tahimik na kumakain sa tabi ng kanyang asawa. Kapwa sila tahimik at tanging mga tunog ng kubyertos ang maririnig sa loob ng dining room. Maging ang mga katulong ay nanatili lang sa kanilang mga kinatatayuan, kikilos lang ang mga ito kung kinakailangan na pagsilbihan ang kanilang mga amo. “I will pick you up at around six in the evening. We need to buy some clothes you'll wear for the party. The company's anniversary will be held here, so you need to look presentable in everyone's eyes as my wife.” Natigil sa pagsubo ng kanyang pagkain si Louise ng marinig ang naging pahayag ng kanyang asawa. Pasimple niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib na tila ba nag-iipon ng lakas ng loob at ilang sagundo ang lumipas bago niya ito pinakawalan. “

