Chapter 85

1009 Words

“Ang kapal ng mukha mo! Sa kagustuhan mong yumaman kahit ang pumatay ay gagawin mo! Nakakahiya ka!” “Dapat sayo ay makulong, kriminal ka, mamamatay tao!” Pagbaba ko ng sasakyan ay ito kaagad ang sumalubong sa akin, ang mga taong tila kay laki ng galit sa akin. Wala naman akong kasalanan sa kanila at hindi namin kilala ang isa’t-isa. Subalit, kung kamuhian ako ng mga ito ay hanggang dun na lang. Nanatili akong kalmado at diretsong naglalakad patungo sa entrance ng trial court. Hindi alintana ang galit ng mga taong nasa paligid ko. Hindi ko naman kailangan na mangamba dahil protektado ako ng mga bodyguard na nakatalaga sa akin. Simula ng pumutok ang malaking eskandalo tungkol sa akin ay kinamuhian na ako ng mga tao. May ilan sa mga kliyente ko ang umatras ngunit meron pa ring mga tao

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD