“Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagân sa aking balakang, habang sa ibabang bahagi ng aking dibdib ay may malaking braso na nakapulupot dito. Gustuhin ko mang kumilos ngunit hindi ko magawa dahil sa higpit ng pagkakayakap nito sa aking katawan. Halos manigas ang aking katawan ng mapagtanto ko na may lalaking nakayakap sa akin. Ilang sandali na hindi ako gumalaw, ni ang huminga ay hindi ko na rin yata ginawa habang pinakikiramdaman ang paligid ko. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata habang sa aking isipan ay unti-unting nabubuo ang imahe ng posisyon namin ng taong katabi ko. Malakas ang kabôg ng dibdib ko at halos pigil ko na ang aking hininga ng magdesisyon ako na imulat na ang aking mga mata. Sa pagmulat ng aking mga mata ay para akong naengkanto ng sumalubong sa aking

