"Confirm na, Matteo, active na ulit ang mga transaksyon ng La Guardia sa pamamahala ni Ramon Monson. An insider spilled that Wesley is eyeing on the position of CEO of Del Rio Manufacturing. Mamayang gabi ang anunsyo ng engagement nito sa anak ng may-ari ng kumpanya," wika sa kanya ng kaibigang si Punzalan nang makibalita siya sa estado ng kaso ng La Guardia. Dumagundong ang puso niya sa kaba nang marinig ang balitang 'yun. Sahara shouldn't marry another man. Tumututol ang puso niya. At ngayong malalagay sa panganib ang kaligtasan at kaligayahan ni Sahara ay natutuliro na naman siya. Dalawang buwan na mula nang una niya itong makadaupang palad sa club, hanggang ngayon ay naroon pa rin ang damdaming taglay niya para sa dalaga. Pero wala naman siyang magagawa para pigilan ito sa

