Napapansin ni Matteo ang pagkailang ni Sahara sa Papa niya kaya't lagi niyang hawak ang kamay nito kahit hanggang makasakay sila sa eroplano. Tama lang na isinama niya ang Tita Menchie niya sa pag-uwi sa Masbate para may kausap ang Papa niya. He can't divide his time. Tama si Sahara, nahahati siya sa kagustuhang paluguran ang dalawang taong mahal niya -- ang Papa niya at si Sahara. Hindi rin niya inaasahan na hindi ganoon kainit ang pagtanggap ng ama kay Sahara nanag ipakilala niya ito kanina sa penthouse. Hindi niya alam kung may hinala na ang ama kung sino si Sahara. At kahit paano'y nakukunsensya siya sa pagtatago ng katotohanan. But he can't leave without Sahara. Not today that he knew her life was in danger. "Your hands are cold," nakangiti niyang wika sa kasintahan. Ngumi

