KATRINA couldn’t believe how graceful he was. Ang mapang-akit na sayaw nila ay tila isang ritwal na nagpapaalab ng kanilang mga damdamin bago tuluyang maganap ang pag-iisa ng kanilang mga katawan. They looked at each other as if they were climbing the stairs of ecstasy. Was it really possible na nagkakaintindihan ang kanilang mga katawan?
Natapos ang sayaw na nakaarko ang katawan niya pabagsak habang sinasalo ng mga palad nito ang kanyang likod. Nakatunghay sa kanya ang lalaki at ilang pulgada lamang ang layo ng mga mukha nila sa isa’t isa. They were exchanging breaths. Pareho silang naghahabol ng hininga habang hindi kumukurap sa pagkakatingin sa isa’t isa.
Napalunok si Katrina. He was gorgeous and he smelled good. Ang lakas ng presensiya nito. Sa kung anong dahilan ay hinihintay niyang lumapat ang mga labi nito sa kanyang mga labi para hagkan siya. She was not going to make any protest.
“I’m going to kiss you, baby…” mahinang bulong nito na nagpasikdo sa puso niya.
Hindi na hinintay ni Katrina na dumampi sa mga labi niya ang mga labi ng lalaki, sa halip ay tumiyad na siya at sinalubong ang mga labi nito. And the touch of their lips ignited the fire between them. Her blood was suddenly tingling in every nerve endings. Pagkatapos ay malakas na napaungol na lang siya nang maramdaman ang pagpasok ng kamay nito sa loob ng damit niya at kubkubin ng mainit na palad nito ang kanyang dibdib. Subalit hindi nakakawala ang mga ungol na iyon dahil angkin pa rin nito ang mga labi niya at maalab na sinisimsim ang bawat tamis. She arched her body against him as the heat exploded in the pit of her stomach.
“Please...” daing niya. Kung para saan ay hindi niya alam.
Iniwan ng lalaki ang mga labi ni Katrina. His passion-consumed eyes darkened as he surveyed her. And the intensity of his stares made her ache with want. Ngumiti ito sa kanya bago muling inangkin ang kanyang labi. This time mas maalab na ang ipinalalasap ng mga labi nito, gayundin ng kamay nito sa kanyang katawan. Ang sunod na namalayan ni Katrina ay ang tila pagduyan ng katawan niya at ang lamig na tila sumisigid hanggang sa kanyang mga buto. Pati na ang tila maliliit na karayom na bumabaon sa kanyang balat. Umungol siya bago marahang nagmulat ng mga mata.
“Why—” Malakas na napasinghap si Katrina nang kadiliman ang sumalubong sa kanyang mga mata. At dahil hindi niya tantiyado ang kilos ay bumagsak siya sa tubig pagbaling niya. Mabuti na lang at mabilis ang naging reflex niya kaya agad siyang nakahawak sa rubber raft. Mabilis uli siyang sumampa roon.
God! Nakatulog siya sa malapad na rubber raft at inabot na siya ng sama ng panahon! Kung anong oras na ay hindi niya alam pero madilim na, malakas ang hangin at malalaki ang patak ng ulan. Pinanatili niyang kalmado ang sarili. Ang kailangan lang niyang gawin ay magawang ibalik sa dalampasigan ang rubber raft na iyon.
Subalit ganoon na lang ang panggigilalas niya nang wala siyang makitang ilaw na magsasabing nasa harap lamang siya ng isla. May nakikita siyang maliliit na ilaw pero tila napakalayo niyon.
“God!” hintakot na bulalas ni Katrina. Malakas ang hangin at malakas ang agos ng tubig. Hindi kataka-takang anurin siya. “Tulong! Tulong! Somebody help me!” malakas na sigaw niya ngunit nilalamon lamang ang tinig niya ng malakas na hangin. And the waves were going crazy, lumalaki ang mga iyon, tumataas at humahampas sa kanyang katawan bago siya anurin paayon sa mga ito. She could have enjoyed it kung nasa ibabaw siya ng isang surfboard at alam niyang ligtas siya. Pero hindi biro ang nangyayari sa kanya ngayon. Nasa gitna siya ng dagat at masama pa ang panahon. And worst of all, it was so dark.
Patuloy siyang sumigaw nang malakas sa paghingi ng tulong pero namamaos na siya at nananakit na ang lalamunan niya ay tila wala pa ring nakakarinig sa kanya. At kung kailan siya nagpa-panic ay saka naman gumitaw sa isip niya na baka napadpad na siya sa bahagi ng dagat kung saan ay may mga pating at anumang sandali ay sasakmalin na lang ang mga binti niya.
“Tulong!” she screamed. Hindi alam ni Katrina kung ang panginginig ng kanyang katawan ay dahil sa lamig na dulot ng hangin at ulan o dahil sa takot. And she realized she was already crying habang hindi siya magkandatuto sa pagkapit nang mahigpit sa salbabida sa takot na baka isang hampas lang ng alon ay iligwak siya niyon at mahulog siya at malunod. And news of Katrina Santos’ death would make the front page of every newspaper.
“Help!”