Part 17

1177 Words
HINANG-HINANG isinandal ni Cedrick ang likod niya sa nakabukas na pinto. Pakiramdam niya ay naiipit siya sa pagitan ng nag-uumpugang bato; ang commitment niya kay Jazmine at ang nararamdaman niya para kay Katrina.         Kaya nga balak na niyang umalis dahil gusto niyang iwasan na lalo pang masaktan si Katrina. Pero ngayon ay hinihiling ng dalaga na manatili siya sa tabi nito at iparamdam dito ang pagmamahal niya. He wanted to. He really wanted to. Lamang, kapag sinunod niya ang isinisigaw ng kanyang puso ay baka lalong maging komplikado ang sitwasyon. Pero paano ba mapipigilan ang ganoong damdamin? Paano ba iyon sisikilin gayong nag-uumapaw iyon sa kanyang puso? At sa sobrang pag-uumapaw ay wala na siyang nagawa kundi umamin dito.         Itiningala ni Cedrick ang ulo niya para hindi malaglag ang mga luhang namuo sa kanyang mga mata. Pero naglandas din ang mga iyon sa gilid ng mga mata niya. Ah, kung sana ay alam niya kung bakit nangyayari sa kanilang dalawa ang bagay na iyon.         Tinuyo niya ang mga mata bago humakbang at tinungo ang silid ni Katrina. Pinihit niya ang seradura ng pinto. It was open like she told him. Binuksan niya iyon.         “Cedrick…” umiiyak na usal ng dalaga nang makita siya. Patagilid itong nakahiga sa kama at basa ang mukha sa mga luha. Pakiramdam niya ay pinipiga ang kanyang puso sa tanawing iyon.         Lumapit si Cedrick sa kama at nahiga sa tabi ni Katrina. Agad sumiksik sa dibdib niya ang dalaga. Siya naman ay niyakap ito nang mahigpit. “Hush, baby, stop crying,” aniya bago hinagkan ang ulo nito saka hinaplos-haplos ang buhok. Muling namasa ang kanyang mga mata. Ngayong alam na niya kung ano ang pakiramdam kapag nasa bisig niya si Katrina, magagawa pa kaya niyang pakawalan ito?         “Matulog ka na…”         “Ayoko. Baka umalis ka sa tabi ko kapag tulog na ako,” sagot nito bago lalo pang nagsumiksik sa kanyang katawan.         Napalunok si Cedrick. Hindi siya makapaniwala na nagiging mababaw ang mga luha niya. “No, baby. Hindi ako aalis. Matutulog kang katabi ako at magigising ka na ako pa rin ang katabi mo. I promise you that.”         “For two days?” anas nito sa inaantok na tinig. Naroon din ang bahid ng kapaitan.         No. I promise to hold you until our last breath, gusto sana niyang isagot pero ayaw niyang paasahin ang dalaga gayong siya mismo ay hindi sigurado sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap.         “Sleep now, baby. Tomorrow we’ll make good memories…”   DAHAN-DAHANG nagmulat ng mga mata si Katrina. Hindi siya nananaginip lamang, magkatabi talaga silang natulog ni Cedrick. And she literally slept in his arms. Hindi na siya mabibigla kung magrereklamo ito nang pananakit ng braso dahil iyon ang ginawa niyang unan. At hindi mapapantayan ng kahit na anong malambot na unan ang ginhawang hatid sa kanya ng braso ng binata.         Umangat ang palad niya at marahang hinaplos ang mukha nito. Ang ilong, ang mga mata, ang noo, ang pisngi, at ang mga labi. “Why are you so charming?” anas niya.         Sa gulat ni Katrina ay bigla na lang gumalaw si Cedrick at sa isang mabilis na kilos ay nagawa nitong mapaibabaw siya sa katawan nito. Then Cedrick slowly opened his eyes. “Good morning, baby,” paos na wika nito bago siya binigyan ng isang makapigil-hiningang ngiti.         Nalaglag ang mga buhok niya sa mukha nito. Tinipon naman iyon ni Cedrick at inilagay sa likod ng mga tainga niya.         “Good morning,” sagot niya. Holy cow! Pero napakabango nito. Nananatiling nakatitig sa kanya ang binata. “Hey…” natatawang sita niya.         “You’re so lovely,” paos na anas ng binata. Dumako ang mga palad nito sa mukha niya at mabining humaplos doon.         Ipinikit ni Katrina ang kanyang mga mata at ninamnam ang sandaling iyon. She could feel the gentleness and the love. “Hindi mo alam, pero tuwing may pagkakataon ako at hindi ka nakatingin ay tinititigan kita. Isinasapuso ko ang bawat galaw mo, ang bawat kibot ng mga labi mo, ang lahat-lahat sa `yo.”         Dumampi sa mga labi niya ang daliri ng binata. “And I always wanted to kiss you.”         “H-hindi mo kailangang pigilan ang sarili mo.” Nagmulat siya ng mga mata. Inside her was a hot, bubbling excitement that travelled along her nerves and made her skin tingle. Marahang umungol ang binata bago muling gumalaw at sa pagkakataong iyon ay pinagpalit nito ang kanilang posisyon. Siya na ang nasa ilalim ng katawan nito. Ang mga siko ng binata ay nakatukod sa magkabila niyang tagiliran para masuportahan ang bigat nito. Then he showered her face with luscious kisses.         Tumaas ang mga palad ni Katrina at pumaloob sa buhok ni Cedrick. Pagkatapos niyon ay bahagyang iniangat niya ang kanyang ulo at sinalubong ang mga labi ng binata. Cedrick drank the sweetness of her lips. Pagkatapos ay naging mas mapusok ito. His tongue slid inside her mouth, meeting her tongue and dueling with it. Bahagya ring dumidiin ang mga ngipin nito sa kanyang mga labi. It awakened sensations that travelled to every nerve endings. She groaned in pleasure as heat surged through her whole body.         Naghahabol na siya ng hininga nang pakawalan nito ang kanyang mga labi. And he went no further. Umalis na ito sa ibabaw niya at nahiga sa kanyang tabi.         “Bakit?” tanong ni Katrina.         “Anong ‘bakit’?”         “I-I can feel you and your need. So, b-bakit ka tumigil?” Iyon ang totoo. She could feel his arousal throbbing against her body. There was power in his touch, fierceness in his kisses, and hunger in his embrace. Pero kinontrol na naman nito ang sarili.         Humalakhak si Cedrick. Subalit hindi naitago ng mga mata nito ang isang masidhing emosyon. Emosyon ng pagnanasa. “We’ll take it slow, baby, step by step. Sa ngayon, I want us to get out of this bed. Uubusin natin ang buong araw sa pamamasyal.”         “Pamamasyal?”         “Basta. Ako na ang bahala roon.”         “Ayokong mamasyal. Mas gusto ko na lang na mahiga nang buong araw at kasama ka,” nanghahaba ang nguso na sagot ni Katrina.         “Ah, don’t dare me, Miss Santos. Baka magsisi ka.” May pagbabanta ang kislap ng mga mata nito. Pagbabantang hindi nananakot kundi nagpapahiwatig ng kapilyuhan.         Her cheeks turned red. Pero sa halip na mailang ay pumuno pa sa dibdib niya ang kakaibang init na hatid ng mga mata nito. Maaaring nakakahiya sa iba pero kaya niyang aminin sa sarili na pinagpapantasyahan niya ang binata. She loved him and she desired him. Gusto niyang makamtan ang isang bagay na higit pa sa halik.         Narinig na lang ni Katrina ang pag-ungol ni Cedrick. Kinabig siya ng binata at muling siniil ng halik. Masyadong mapusok ang halik nito na hindi na siya magtataka kung mamaga man ang mga labi niya. But what the heck! She liked it. She loved it. Ginigising ni Cedrick ang passionate side ng pagkatao niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD