Part 11

1770 Words
CEDRICK sighed as he stared at the ceiling of his room. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya para iprisinta ang sarili na samahan ang dalaga sa islang iyon. But yes, aaminin niya, attracted siya physically kay Katrina. May kung ano sa dalaga na tila humihigop sa presensiya niya para pagtuunan ito ng pansin. A glance from her or even her simple smile was enough to turn him on. At iyon ang nagpapalito sa kanya. He was never like that with any woman he knew.         He grew up at San Francisco, California. At alam na niyang pakitunguhan ang ganoong physical attraction. Just a simple move and they would end up in bed. Pero pagdating kay Katrina ay tila halo-halong damdamin ang umookupa sa kanyang dibdib. At aaminin niya na naroon sa isip ang pag-asam na sana ay muling magsalubong ang kanilang mga landas. Na nangyari nga in the most unexpected way.         Then came the realization of his attraction towards her. He cared about her, was attracted to her, and he did not know what was next. Pero kung ano man ang nararamdaman niya sa dalaga ay hindi na iyon dapat pang lumago. Dahil siya ay malapit nang magpakasal.         “Nasisiraan ka na ba ng ulo, Jazmine?” bulyaw ni Cedrick sa matalik na kaibigan. Jazmine was pregnant and she wanted to terminate her pregnancy thru abortion.         “Tell that to my face, Cedrick! Alam mo kung ano ang pinagdaanan ko. Hinding-hindi ko matatanggap ang batang ito!” hiyaw ni Jazmine at sa gulat niya ay bigla na lang nitong pinagsusuntok ang tiyan.         “Jazmine, stop it!” awat niya. Mabilis niyang ipinaloob sa kanyang mga bisig ang kaibigan at kinalma ito. Alam niya kung bakit ito nagkakaganoon—Jazmine was raped. At ngayon ay nasa sinapupunan nito ang bunga ng kasalanang iyon.         Kumuyom ang mga kamay ni Cedrick. Kung malalaman lang niya kung sino ang nagkasala sa matalik niyang kaibigan ay pagbabayarin niya ang lalaki, kahit pa utangin niya ang buhay nito. Jazmine was nice and sweet. Hindi ito liberated na babae. Magkaklase sila sa high school at doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Magkasama rin sila sa kolehiyo kaya kilalang-kilala niya ang ugali nito. Oh, yes, dumating din sila sa puntong nagkahulugan ng loob. In fact, she was his first love. At napagkasunduan nilang subukang itaas ang antas ng kanilang relasyon. But to no avail, their romantic relationship was a failure. Hindi naman sila nag-aaway o ano, hindi lang nag-bloom ang relasyon. So they both decided that they were better off as friends, best friends for that matter. At pareho na lang silang natatawa kapag binabalikan nila ang mga awkward kisses na pinagsaluhan nila.         Jazmine found another love. Siya man ay nagkaroon din ng mga relasyon. Naglaho ang romantic feelings niya para dito and now what he just feels for her was just a platonic kind of love.         But faith had been cruel to her. Dalawang buwan na ang nakararaan nang mabiktima ito ng rape. Jazmine did not go into details. Ang sabi lang ay na-rape ito. And she was never been the same since. Tila gusto na rin nitong sirain ang sariling buhay. Kahit paano ay nagawa niyang libangin ang kaibigan. Unti-unti na uli itong sumigla. Pero noong nakaraang linggo ay nakatanggap siya ng tawag mula sa ama nito at tinanong siya kung ano ang problema ni Jazmine. Ilang araw na diumanong nagkukulong lang ang kaibigan sa silid nito. He cursed himself then. Hindi niya alam ang isasagot dahil halos dalawang linggo na rin silang walang komunikasyon. Pumunta agad siya sa bahay ng kaibigan. And there, he found out what had happened to her. Ayon sa dalaga ay two months na itong delayed kaya nagpasuri na ng urine nito at positibong buntis si Jazmine.           “No!” palahaw ni Jazmine. Nasa luhaang mukha ang paghihirap. “Cedrick, please unawain mo ako. Help me. Find me a clinic, please!” pakiusap nito. “Ayaw ko nang malaman nina Papa ang nangyari sa akin na nadisgrasya ako! Pero paano ko iyon itatago ngayon kung lalaki ang tiyan ko? Hindi ko puwedeng sabihin sa kanila na tinakbuhan lang ako ng boyfriend ko dahil kabe-break lang namin at nariyan lang siya sa kabilang kalye!”         Mariing napapikit si Cedrick. He knew exactly what her situation was. Kahit ano ay gagawin niya maprotektahan lang ang kaibigan. At nagu-guilty siya sa nangyari sa kaibigan dahil magkikita sana sila nang mangyari ang insidente ng pagkaka-rape dito, lamang ay hindi siya nakarating. Dahil doon kaya siya inuusig ng konsiyensiya. Kung sana ay nakarating lang siya, hindi sana napahamak ang kaibigan niya.         “Hindi mo ako mapipigilan, Cedrick. I’ll get rid this son of a b***h!”         “No!”         “Why not! Kahihiyan ang dadalhin sa akin nito. For once, kalilimutan ko muna na Katoliko ako! Please, unawain mo ako…” she desperately cried out.         Umiling si Cedrick. “You don’t have to do that, Jazz. Listen to me… I’ll marry you.”         Jazmine was dumbfounded. Hindi ito pumayag. Pero naging matatag si Cedrick sa ginawang desisyon. Ginawa niya ang lahat para kumbinsihin ang babae hanggang sa wala na itong pagpipilian kundi ang umayon sa kanyang plano.         Pero bago iyon ay may kahilingan muna ang dalaga. Gusto nitong maging sigurado siya sa desisyon.         “Go away from me for awhile, Ced. Mag-isip ka nang maigi, please! Hinahainan mo ako ng pabor na gustong-gusto ko nang sunggaban ngayon mismo. But this isn’t fair to you. Kaya please, mag-isip ka. I promised hindi ako gagawa ng ano mang marahas na hakbang habang wala ka. Go away for a while. Think a hundred or even a thousand times about it, please! Take your time, mag-isip ka. Nine weeks pa lang naman ito, hindi pa halata…”         Kaya umuwi si Cedrick sa Pilipinas noong nakaraang linggo. And he still had one week bago siya bumalik sa San Francisco at pakasalan ang kaibigan. Alam ng pamilya niya ang kanyang sitwasyon at tulad ni Jazmine ay gusto ng mga itong pag-isipan niyang maigi ang susuungin bagaman kahit ano ang kalabasan ng kanyang desisyon ay buong puso siyang susuportahan ng mga ito, lalo pa at halos kapamilya na rin nila si Jazmine.         Ang mga unang araw ni Cedrick sa Pilipinas ay ginugol niya sa kanilang hacienda sa Mindoro. Pagkatapos ay inimbitahan siya ng pinsan niyang si Roel na samahan itong mag-island-hopping sa Palawan. He found the idea exciting kaya pumunta siya sa Palawan. Iyon nga lang, pagdating niya roon ay siya namang pagmamadali ni Roel na makaalis. Hindi niya alam kung ano ang detalye pero ang suma ay naiwan siyang mag-isa sa yate. Wala namang kaso sa kanya iyon at itinuloy pa rin niya ang bakasyon.         At hindi pa rin nagbabago ang desisyon niya. He would still marry his best friend.         Really? Desidido ka pa rin na magpakasal kahit ngayong nakilala mo na si Katrina? anang isang bahagi ng kanyang isipan.         And what about Katrina? sagot naman ng isang bahagi.         Oh, come on! Dig deeper, try harder and you’ll know the answer.         Napabuga siya ng hangin bago inihilamos ang mga palad sa mukha. Bakit nga ba parang may namumuong pagtutol sa kanyang dibdib?   UMILING-ILING si Katrina para itaboy ang laman ng kanyang isipan pero kahit ano ang gawin niya ay tila nakapagkit pa rin doon ang mukha ni Cedrick. It was early in the morning at nagluluto siya ng almusal. Si Cedrick ay hindi pa lumalabas mula sa silid na ibinigay niya kagabi.         Halos umaga na siya nakatulog dahil sa kakaisip sa binata. Ayaw mawala sa kanyang isip kahit isubsob na niya ang mukha sa kama. Naroon iyong dumapa siya, humiga, umupo, mamaluktot at kung ano-ano pa pero buhay na buhay pa rin ang dugo niya. Because he was haunting her. Everything about him was lingering in her head. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na inukopa ng isang lalaki ang isipan niya. Worst of all, she found herself smiling in the end. Para siyang nangangarap at kinikilig na hindi mawari. Kaya nga itinatanong niya sa kanyang sarili kung ano ang uri ng damdamin na nararamdaman niya? Was this what they called “love”?         Hindi niya alam dahil noon lang niya nadama iyon. Sa simula pa lang ay attracted na siya sa binata. Nakuha nito ang atensiyon niya, at sa pagkakatanda ni Katrina ay tila pa nga siya namatanda sa pagkakatitig dito noon. Was it just a case of physical attraction or something deeper? She was attracted to some men but she never fantasized about them. Kay Cedrick, tila may koneksiyon siyang nadarama. Something magical.         “Hey, good morning.”         Kumabog ang dibdib ni Katrina. That husky sexy voice na tila nagpatayo sa kanyang mga balahibo sa batok. Kinalma niya ang sarili at lumingon sa binata. Inaasahan niyang mabubungaran ang lalaki na kagigising pa lamang, katulad ng hitsura nito kahapon sa yate.         “Gising ka na pal— Nakapag-jogging ka na?” gulat na tanong niya nang makita niyang pawisan na ito. Shorts at sando ang suot nito, ang buhok ni Cedrick ay halatang basa na ng pawis at lumaylay na ang ilang hibla niyon sa noo nito. Pawisan man, tila kay bango pa rin nitong tingnan. “A-akala ko, tulog ka pa.”         “Maaga akong gumigising. As much as possible, I always start my day with a jog.”         Kaya pala maganda ang katawan! lihim na palatak ni Katrina.         Kumuha ito ng baso at sinalinan iyon ng tubig. Mayamaya ay naupo ito sa isang silya. Cedrick looked bothered. Tila may gumugulo sa isipan nito. Napansin din niya na tila seryoso ang mukha ng binata.         “C-coffee?” alok niya.         Umiling ang binata. “No, thanks. Sige, pupunta na muna ako sa yate para maligo at magpalit ng damit,” anito at tumayo na.         “Okay.” Sinundan ni Katrina ng tingin si Cedrick habang palabas ng kusina. Ang akala niya ay hindi na lilingon ang binata kaya naman huling-huli siyang nakatingin dito nang lumingon ang binata. Her cheeks turned red. Nagbawi siya ng tingin pero nahagip pa ng mga mata niya ang ngiti na gumuhit sa mga labi ng binata.         s**t! Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Bakit ako umaaktong teenager na nasa harap ng greatest crush ko?!         “Katrin…”         Napapitlag pa siya sa tinig ng binata. Ang akala ni Katrina ay nakaalis na ito. “Gusto mo bang sumama sa aking mamingwit mamaya?”         “S-sige, pero may problema. Hindi ako marunong mamingwit,” sagot niyang hindi lumilingon dito.         “Don’t worry. Tuturuan kita.”         “Okay. Sige, sasama ako.”         “Great!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD