Chapter 39

1198 Words

Chapter 39 “Lumabas na muna kayong lahat, kakausapin ko lang si Evan.” Nakatulala siya habang nakayuko nang marinig niya ang boses ng kanilang guro na si Alastor. Lumabas sina Osvar, Plavo, si Jeremiah, Philiph, si Leopold at pati na si Peij. Silang dalawa lamang ni Alastor ang naiwan sa loob ng silid. “Gusto kong maging totoo ka sa akin bago ko tingnan kung ano ang totoong nangyari, Evan,” sabi ni Alastor. “Ano ang nangyari kay Kasimiro?” Naikuyom niya ang kaniyang mga kamay. Tumulo ang kaniyang mga luha nang maalala ang nangyari. Sinalo ni Kasimiro ang mahika na tatama dapat sa kaniya at nahulog ito sa tubig. Tumingin siya kay Alastor nang nanlalabo ang kaniyang mga mata. Punong-puno ng mga luha. “Umaasa ako, guro,” panimula niya. “U-Umaasa ako na buhay pa si Kasimiro... na sana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD