LESSON 27 “CANDICE, maawa ka sa akin! Huwag mo akong patayin! Kung hindi ko iyong ginawa, h-hindi sana kayo magkikita ulit ni Rocco. H-hindi mo sana siya maaagaw kay Destiny! Parang awa mo na, Candice! Ayoko pang mamamatay!” Nakaluhod na si Jillian sa harapan niya at magkasalikop ang dalawang kamay. Sandaling natigilan si Candice sa sinabi ni Jillian. May punto ito… Kung hindi sila nito pinadalhan ng mga litrato ni Aliyah ay hindi sila magkikita-kita ulit. Lumambot ang mukha ni Candice. Parang naaawa na siya tuloy ngayon kay Jillian. Ngunit bago pa man niya tuluyang makumbinse ang sarili na patawarin na lang si Jillian ay naisip na naman niyang wala na si Rocco. Kung kanina ay medyo lumalayo na ang daliri niya sa gatilyo ay muli iyong lumapit doon. “Pero pinatay mo pa rin si Rocco! Kun

