Silver's P.O.V Nasa room ako ngayon at busy sa pag-aayos ng mga gamit para na rin makakain ako. Wala rin akong kasama ngayon dahil nagkasakit si Lie, may date sina Asher at Nich, ewan ko rin sa magkasintahang iyon, madalas na ang date nila, siguro ikakasal na kaso wala pa namang engagement. Hindi ko na rin yun masasabi. Naglalakad na ako ngayon sa mahaba at malawak na hallway, grabe lang ha, araw-araw kong nilalakad ang ganito kahabang hallway, buti na nga lang malawak para hindi siksikan. Buti na lang at wala ng masyadong tao sa cafeteria, lima kasi cafeteria dito at mas pinili ko yung cafeteria malapit sa building namin, bukod sa mas malapit, mas mura pa ang mga tinitinda nila dito, may free coffee pa, pero dahil mainit ngayon, hindi muna ako magkakape. Nang makaorder ay pinili ko

