Chester's P.O.V Papunta ako ngayon sa cafeteria, niyaya ako ni Sil, wala pa kaming tawagan sa isa't-isa, saka, wala namang plano si Sil kasi sabi niya, hindi sa tawagan nasusukat ang pag-ibig, kundi sa kung paano mo ito ipapakita't ipaparamdam sa iyong karelasyon. Saka mabuti na rin yun. Kung itatanong niyo naman, baka lang naman, about our relationship, sweet nga eh, sweet na may pagkawild, e kasi naman si Sil, papagalitan at pagsasabihan akong huwag magbubulakbol, mag-aral ng mabuti, kumain sa tamang oras dahil ayaw niya raw akong nagugutom, chinecheck niya pa yung bag ko kung maayos o kung magulo. Parang mas nagiging nanay ko pa siya, pero alam kong para rin sa akin yun kaya hinahayaan ko na lang. Cute niya nga rin kapag nagalit. Pero kapag ako naman nagtampo, gagawa siya ng paraan pa

