Silver's P.O.V Grabe ha. Sobrang nag-enjoy ako dun sa 'date' namin. Ang ganda dun sa kaharian nila, pati yung mga performances nila. Lalo na yung Secret Garden, ang saya nun, at nakakatawa yung hinalikan niya yung ilong ko, grabe, akala ko sa lips, nag-assume naman akong sa lips. Haha, assuming talaga ako. Pero ang mas grabe, dalawang araw pa lang ang nakakalipas noong nagdate kami ni Yojer, inimbitahan naman ako ni Aeolus at Chester. As in, sabay talaga, napag-usapan lang ang peg. At eto nga, naghahanap ako ng damit, ngayon daw kami lalabas ni Aeolus, bukas naman si Chester. Naku, grabe talaga sila kung mag-effort. Yun nga, kailangan nila mag-effort, pero, hey, ang gusto ko lang naman ay yung kilalanin sila, hindi ko kailangang pumunta sa mamahaling resto para lang sa date, duh, okay

