[JAX DAMON’S P.O.V.] “Hey! Nawalan na kami ng balita sa ‘yo, ah? Good husband material ka na ba ngayon?” bungad naman sa akin ni Rhex nang magkita kami. Inilingan ko naman siya saka kami nag-bro fist. Ngayon na lang ulit kami nagsama mula noong nahuli kami ni Ayira sa Baguio. “Gago. Busy lang ako these past few months. Tsaka alam mo naman kung ano ang nangyari kay Ayira last time,” sagot ko naman sa kaniya. Dahil nga umuwi na si Kyle, ang kaibigan namin mula pa noon, ay nagkasama ulit kami ni Rhex ngayon. Pinayagan ako ni Ayira at nagpaalam din ako sa kaniya ng ayos. “Oo nga. Buti nga at nakaligtas si Ayira sa aksidente na ‘yon. Malala rin ‘yon, eh. Pero ang tanong, good husband material ka na ba ngayon?” pang-aasar ulit sa akin ni Rhex. “Kailangan ko pa bang sagutin ‘yan?” “Ay

