[JAX DAMON’S P.O.V.] I went home after I saw that Ayira went to a different house instead of going to our own home. Hindi ko inaasahan ang nakita ko na ‘yon. Galit na galit ako hanggang ngayon dahil sa nakita ko. Iniisip ko na talaga ngayon na niloloko niya ako at may lalaki siya na roon nakatira. Ngayon ay may naisip na akong dahilan kung bakit hindi niya sinasabi sa akin na iba na pala ang trabaho niya. Naisip ko na may iba na siyang lalaki at doon siya ngayon tumitira. Ang galing niya at naisip pa niya ang tungkol doon. Nagbigay siya sa akin ng ibang schedule niya sa trabaho para makasama niya palagi ang kabit niya. Tangina! Nagpapakatino na nga ako sa kaniya ngayon, tapos gagaguhin niya ako? Hindi ko ‘yon matatanggap kahit ano pa ang mangyari! Nakabalik na ako sa bahay namin. May

