Bound to Singapore ang flight namin ngayon. Inuna ko na lang muna ang mga passengers na asikasuhin. Marami pa ang mga pasahero na pumasok. Nang makapasok na ang lahat ay dinaanan ko muli si Baguio Guy. Pero nakatakip na agad ang kaniyang mata gamit ang eye mask na ginagamit sa pang tulog. Hindi ko rin naman siya pwedeng kausapin dito dahil may mga tao sa paligid at mahirap na dahil baka may makarinig. Lalo na at ‘di rin ako pwedeng makipag-usap ng matagal sa mga passengers for personal reason. Nag-demo na muna kami sa harapan at pinaalala namin sa lahat ng passengers kung ano ang mga dapat na gawin at hindi pwedeng gawin. Sa business class ako naka-assign ngayon. Ang iba naman na cabin crews ay sa economy class, premium economy class, at sa first class. ‘Yong first class ay naroon laha

