[CAIDEN REISS’ P.O.V.] “Dude, I saw your girlfriend last time. Pero may kasama siyang ibang lalaki, kaya ‘di ko niya ako pinansin.” Napatingin naman ako kay Sol nang marinig ang sinabi niya. Siya ang CEO ng airline kung saan nagtatrabaho si Ayira. Siya lang din naman ang nakakasama ko mula pa noon. Kaya close talaga kaming dalawa. Pero hindi ko pa nasasabi sa kaniya na hiwalay na kaming dalawa ni Gwyn. Marami ang nakakakilala sa amin ni Gwyn at marami rin ang nakakaalam na magkasintahan kami noon pa. ‘Yon nga lang ay ‘di ko masabi kay Sol kung bakit kami naghiwalay ni Gwyn, dahil itatanong niya lang sa akin kung ano ang dahilan. Hanggang ngayon ay ‘di pa rin alam ni Gwyn kung ano ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa kaniya. Sa tingin pa rin niya ay hindi ko alam na may iba na

