Naisipan ko na umuwi ngayon sa bahay namin ni Jax. Naalala ko rin na kailangan ko nga pala na sundin ang ibinigay ko sa kaniya na schedule ko noong una. Mabuti na nga lang at tumugma pa rin ‘yon kahit papaano sa araw ng rest day ko bilang ground crew. Dahil baka makahalata pa si Jax sa oras na ‘di ko nasunod ang ibinigay ko sa kaniya na schedule. Nang makauwi na ako sa bahay namin ay sakto na tahimik ang bahay. Ang sabi niya sa akin sa text ay wala pa raw siya ngayon sa bahay namin. Kaya inaasahan ko na walang tao ngayon sa bahay namin. Well, nagsabi rin naman ako sa kaniya na pauwi na ako. As much as possible ay ayoko na makahalata muna sa akin si Jax. Play safe pa ako ngayon. Ilang araw na rin akong walang nakikita na babae na nagpupunta sa bahay namin. Matapos ang narinig ko na usapan

