CHAPTER 19

1422 Words
-- Huminto siya sa labas ng condo ng hindi nagsasalita. Bawat pahid ng luha niya parang dinudurog puso ko. Mas masakit, mas masakit dahil ako ang dahilan ng bawat patak ng luha niya ngayon. Sinubukan kong ilapit ang kaliwang kamay ko sa likod niya ngunit sinagi niya. " S-sorry " -mahina kong tinig. " sorry? after that s**t you did ? s**t ka ! " Galit yung pagkasabi niya habang nakasubsob ang ulo niya sa steeringwheel. Napapatingin ako sa bawat patak ng luha niya sa hita , sinasampal ako ng katotohanan kung gaano ko kagagong tao. Madami na ko nakitang umiiyak sa harap ko pero ito na ang pinakamasakit. Ito na yung pinaka nakakadurog. Umurong dila ko, walang mabitawan na kahit anong salita. Halata sakanya ang pagkaLasing, sobrang lasing na lasing, dahil hindi niya magawang iangat ang ulo niya habang tinutulak ako palabas ng kotse. Hindi ko na naramdaman ang sakit ng bali ng kamay ko dahil mas mahapdi ang bawat dugong dumadaloy sa puso ko. Mas makirot ang bawat kabog ng dibdib ko. " Ghettt ourrrttt " -paulit-ulit niyang pagtataboy hanggang hindi niya na malabanan ang pagpikit ng mata niya. Lumabas ako ng kotse tsaka lumapit sa tatlong guards na kanina pa patingin-tingin. Nagpatulong akong magpatulak para maiayos ang pag park ng kotse, nagpakasuper hero kahit injured na. Dahan-dahan kong binuhat si mhiane, hindi siya kabigatan dahil slim siya. Sinara ko ang kotse tsaka siya kinarga na parang bagong kasal, Iningatan at kinarga ng maayos kahit kumikirot na ang kamay ko sa tagal ng elevator umakyat. Hindi ako iniwan ni natividad na isang marshal, sinamahan niya ako mula paglabas ng kotse hanggang sa elevator. " sir gusto niyo po ako na lang magbuhat kay mam? " - alok niya. Ngumite ako sabay umiling habang hinihintay na makarating sa 24thfloor. Nasa likod ko lang si natividad na walang imik. Hinatid ako hanggang sa tapat ng pinto. Siya na din umalalay magbukas. " thankyou kuya" -pagpapasalamat ko sabay ngumite ng maliit. Ngumite din siya tsaka sinara ang pinto. Nagising si yaya na natutulog sa couch, siguro dahil hinhintay din ang pagdating ko. " sus ginuo ! anong nangyare sa kaniya?" -natatarantang tumayo si yaya . Nauna siyang pumasok sa kwarto para ayusin ang higaan. Marahan kong nilapag si mhiane sa kama na mahimbing pa din ang tulog. Lumabas si yaya para kumuha ng warm water at towel tsaka nilapag sa side table. Lumabas ako para maghilamos at kumuha na din ng bandage at ice kasi sobrang sakit na ng kamay ko. Pagbalik ko pinupunasan na ni yaya si mhiane. " Para si-yang anghel kung matulog. Artista ba si-ya? Si-ya yaong nasa one chance ba yon, Ano nga ulit palabas iyon." Pagtataka ni yaya habang tinititigan si mhiane. Ngumite ako at hinawakan ang towel na pinampupunas ni yaya. " Hindi sya artista " - paliwanag ko sabay tumayo na si yaya at ako ang umupo sa gilid ng kama. " tawagin mo laang ako kapag may kailangan ka pa hah ?" - sabay himas sa likod ko. " kaya ko na po, pahinga na po kayo " " sigurado ka? ay hala sige, pasok na ako sa silid ko. Pahinga ka na rin, baka ika'y magkakuwan pa dahil palagi kang puyat. O siya labas na ako. " -pag-aalala niya,tsaka naglakad palabas ng kwarto. Wala ng luha na tumutulo mula sa mata ni mianne, na parang may tubig na natatapon. Ang mata niyang hindi nagsisinungaling na kapag galit ay galit talaga. Kapag malungkot ay malungkot din, hindi katulad ng mata ko na laging nakangite. Puno ng kasinungalingan. Puno ng pagpapanggap. Nabura na ang makeup niya, natanggal na din ang lipstick niya. Mas lalo siyang gumanda sa paningin ko. Mas lalo akong nainggit kay mhadz, kasi minahal siya ng taong mahal ko. The person who makes me smile palagi, kahit sa mga simpleng kilos at binibitawan niyang salita. From the start naramdaman ko na she's the one. She doesnt deserved to cry ,katulad ng nagawa ko. Hinaplos ko buhok niya habang nakatitig sakanya. Habang kinakabisado ang bawat part ng face niya, napatingin ako sa lips niya parang may magnet. Dahan-dahan kong nilapit ang lips ko papunta sa lips niya. I kissed her, yung smooth lang, pinagdikit ko lang ang lips namin . Parang may kuryenteng dumaloy when she slowly open her lips. She kissed back , torridly, yung sweet and smooth habang nakapikit siya. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko para mapahiga sa tabi niya. Naramdaman ko ang bilis ng daloy ng dugo sa mga ugat ng katawan ko. Parang andaming butterfly na lumilipad sa loob tiyan ko. Bawat pagaspas ay hinahatak ako palapit sa katawan ni mhiane na nakahiga. I kissed her slowly down to her neck, she hugged me habang nakahawak siya sa likod ng ulo ko. Pumatong ako sa ibabaw niya habang abalang hinahalikan ang leeg niya. Every smack she did in my head it feels like that she loved me too the way i love her. I feel the warmth hug with love habang nakakulong sa manipis niyang braso. " i love you mhiane" - bulong ko but hindi siya nagresponse kaya napahinto ako. Tumingin ako sa mata niyang umiiwas sa tingin ko sabay hinawi ang ilang buhok na nakaharang sa mukha niya. " I know you feel it too, be my girlfriend please, I want you to be my partner mhiane , palakihin natin si miyah ng magkasama . I need you mhiane . I need you in my life . Bigyan mo ako ng chance " -pakiusap ko pero tumagilid siya para mapaalis ako sa ibabaw niya tsaka pumikit sabay humingang malalim. " ilan kami? "- tanong niya habang nakapikit . Inakap ko siya habang nakatalikod siya sakin. Pinakiramdaman ang bawat pintig ng puso niya na parang gusto ng magwala. " ikaw lang" - mabilis kong sagot. " ano mo yung bestfriend kong si jaz? ano pang hindi ko alam sayo ?" -tanong niya ulit. Hinawakan ko kamay niya kahit masakit na parang may mga ugat na naiipit sa kamay ko, halos mapa aray na lang ako sa loob-loob ko para hindi niya lang makitang nasasaktan ako. " Fling sa isang account ko sa sss but not active na. Couple of weeks na akong hindi nag-oopen ng social media since you came, kasi mas importante ka, kayo ni miyah. Who would thought in one snap kaya kang baguhin ng love? Akala ko na kailangan pa ng process para sa love, step by step para baguhin yung nakasanayan pero hindi pala. Just like magic, parang yung nangyare satin. Ang hirap i-explain pero mahal kita mhiane. Just tell me what to do para papasukin mo ko sa buhay mo" - halos maluha na ko, gusto ng bumagsak ng tubig sa mata ko. Im deeply inlove with mhiane. Sila nalang ni miyah ang kulang sa buhay ko. Silang dalawa nalang. "ano pa? wala ka ng idadagdag ?"seryoso niyang tanong "wala na " - Tinanggal niya ang pagkaka-yakap ko tsaka umupo habang nakatalikod sakin sabay kinuha ang susi ng kotse niya sa side table. Nakatingin lang ako sa bawat galaw niya habang nakahawak sa hibla ng damit niya. " saan ka pupunta?" - malungkot kong tanong. Para akong isang bata na takot maiwan mag isa kaya pagkapit lang sa hibla ng damit niya ang tangi kong nagawa. " uuwi na ko, wag mo na akong guluhin . Live your own life, wag mo na akong idamay. Ayoko ng magulo dahil Pagod na ko sa magulong mundo. Ayoko ng makulit at ayoko din ng paulit-ulit. Kung totoong mahal mo ko bitawan mo ko, wag mo kong susundan . Wag kang pupunta ng bahay, Isipin mo na lang na hindi mo ko nakilala, isang malaking panaginip lang ang lahat." -tinanggal niya ang pagkahawak ko sa damit niya sabay tumayo.Unti-unti siyang lumabo habang naglalakad palabas. Napuno ng luha ang mata ko,tsaka luminaw na sumara ang pinto kung kailan nakalabas na siya, para akong binuhusan ng yelo. Ang hirap gumalaw. Ang hirap tumayo pero pinilit kong bumangon para habulin siya , ang bawat hakbang ko papalapit sa kanya ay siyang hakbang niya papalayo sakin. Napaupo ako sa labas ng elevator habang sinusuntok ang sahig ng paulit-ulit ng magkabila kong kamay. Tuloy-tuloy na umagos ang luha ko habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan niya. Ilan sandali lang may bumukas na mga pinto . Tumingin sila sakin na may pagtataka. Lumapit ang dalawang marshal para ibalot ang kanan kamay ko na may dugo ng dumadaloy. Nagmadaling tumakbo si yaya na nakapangtulog pa papalapit sakin tsaka kami pumasok sa elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD