Chapter 10 ( dj's Condo)

1288 Words
deserve ko ba yung ganyang tawa ? - pikon na mukha niya sabay binuksan ang sanmig na hawak niya. " sorry ok? hindi ko lang talaga makalimutan itsura mo kanina hehe, psst sakin ba yan? - natatawa pa din ako, lumapit ako sakanya para kunin ang sanmig na binuksan niya pero ininom niya. " ay,ininuman., Woi umiinom ka pala?" -curious kong tanong kasi isang linggo na kami magkasama pero ngayon ko lanG siya nakitang humawak ng bote ng alak. " Pampatulog lang, Napuyat kasi ako kakatouch sa phone ko para tawagan yung babae na dina'drop lang ang mga calls ko . Gusto mo ba? kaso may laway ko na." -pang-iinggit niya. Uminom ulit. " no thanks, nakatulog nako kanina. Uuwi na din ako maya-mayang konti. Hinihintay ko lang text ng pinsan ko." - pagtatanggi ko sabay bumalik ako sa couch. " ano ba kasing ginagawa mo sa taft? Tsaka bakit mo iniwan si miyah para lang malasing? Siguro may kinita ka sa taft noh? yung ex mo ba? " -pagsisiyasat niya. Umiling ako sabay pinikit ang mga mata ko. Nag-flashback nanaman ang mga nangyari. " ay bastos ni ate. Gusto mo bang magHalfbath to freshen up? Ako kasi naiinitan sa suot mo, kahit ang lakas ng aircon."- " uuwi na din ako maya-maya. Idlip lang ako." -pagtatanggi ko habang nakapikit. Unti-unti akong nakapunta sa dreamland na pinapakinggan ang string ng gitara ni dj habang kumakanta ng "sila". Dadalhin ka talaga ng boses niya sa isang paraiso sa sobrang lamig. Noong nagPaulan si Lord ng magandang boses. Gising na gising siya. Nasalo niya. (7hours later) Nag-stretch ako at tumingin sa paligid ko. Napaupo ng bumukas ang pinto. " hey " - bati niya habang nakasukbit sakanya ang guitar bag at hawak angj acket niya. " saan ka galing ?- tanong ko. Ngumite siya sabay nilapag ang gitara at jacket sa kabilang couch. " rehearsal tapos dumetcho na ako sa isang mall tour sa rob, nainvite ako kumanta kaya i grabbed it. Hindi ka kumain? " - Sabi niya habang binubuksan yung nakatakip sa dining. "bakit di mo ko ginising?" - naglakad ako papuntang dining area. Habang naglalagay ng pusod sa buhok. Kinuha ko ang tinidor na nasa ibabaw ng nakataob na pinggan para tikman ang tinanggalan niya ng takip na ulam. " ang sarap ng tulog mo kanina kaya nilagyan na lang kita ng comforter para hindi ka lamigin. Wait, init ko muna." -sabay agaw niya ng tinidor at binalik ang ulam sa microwavable. " grabe damot, titikim lang e. "-napasimangot ako habang nakatingin sakanya na abalang naghahanda. " oi thankyou ulit sa pagpapatulog sa akin ha? wag kang magsawa. Teka, dalawang beses na akong natutulog dito pero wala pa akong nakikita na kasama mo . Kahit picture na pwedeng tignan sa wall,wala ka din. Takot ka ba sa mukha mo?" - pagka'curious ko habang tumitingin sa bawat wall ng condo niya. " si mom nasa hongkong, doon nakatira. Si dad naman nasa heaven na. Wala akong kapatid. Walang magandang memories sa past ko kaya ayokong may nakikitang photo's dito. " -sagot niya habang abala pa din. " how about ex's? siguro naman may nakasama ka na dito, hindi ba maganda naging memories niyo? - tanong ko " exeseseseses ? actually 2 lang ex ko yung isa when i was in junior school. 2months lang kami kasi nainlove siya sa isang varsity sa school kaya iniwan niya ako and the other one naman is when i was in college, we've been together in 3years , iniwan din ako kasi im not popular daw. Ano pa gusto mo malaman about me? " - balik niyang tanong. "nagugutom na ko. kain muna tayo. Luto mo toh ? masharap ah. pwede na, pwede ka na, you know what, hindi ako fan ng pork e. pero masharap tong adobo mo ah..- sabi ko habang kumakain. Tumingin siya sa akin. Yung tingin na parang naasar " order na lang tayo kaysa nilalait mo ang porksteak ko. Nagresearch pa ako para lang may makita kang pagkain paggising mo." Naoffend yata siya. Pero lasang adobo talaga, kulang sa kalamansi. " joke lang, ito naman masyadong matampuhin. Pero masarap talaga ang igadong niluto mo hehe"- biro ko. " e ikaw? bakit grabe iyak mo nung nasa damuhan part ka ng ccp ? bakit ka uminom kanina? dahil pa rin ba sa ex mo ?" -seryosong tanong niya. Napalunok ako sabay uminom ng tubig. Sinampal nanaman niya ako ng reyalidad. Nakakatakas na nga ako. Nakakalimutan ko kahit saglit. But sometimes you have to face the reality. Kailangan pag-usapan para kahit paano, mabawasan. " hindi ko iki-kwento sayo lahat ah, pero para lang may idea ka kahit paano . ok? Yung ex kong tinataguan ko, na inuutangan ng tatay ko para sa bisyo niya na lastyear ko lang nalaman na may mga kalokohan sila. Ayon! malaya pa din nakakapunta sa bahay kapag gusto niya . Actually kaya ako umalis ng bahay kanina kasi nandoon siya. Kaya hindi ako pumayag na tumuloy ka sa bahay kasi ayokong makita ka niya dahil until now,magulo pa din. Until now gusto niya pa din bumalik, ayon lang muna sa ngayon. Ayoko ng makulit ha? Ayoko ng tanong ng tanong. Mas maganda ng, kaunti lang ang alam mo. Para hindi ka madamay." - Huminga kong malalim. Tinuloy ko ang pagkain. Hindi ko ugaling magkwento ng pahina ng libro ng buhay ko. Ayoko mag share pagdating sa problema ko. " last question mahal mo pa?" -nakatitig siya. Parang ang dami niyang gustong malaman about my life. " ewan " -maiksi kong sagot. Ayoko ng pag-usapan. " ahh, kanina pala habang nasa rob ako, tumawag papa mo. Tinatanong ka, sabi ko nandito ka sa condo natutulog." - sabi niya sabay nilagay sa sink yung plate niya na may pagkain pa. " oy kumain ka ba? parang mas marami pa ang tira kaysa sa kinain mo,ubusin mo yan. Masamang nagtatapon ng grasya tandaan mo yan, hindi porket ayaw mo na, basta-basta mo na lang itatapon. "-pagbabanta ko. Binalik niya plate niya sa table at pinilit ubusin ang natirang pagkain sa plate kahit halatang napipilitan . " ano pala sabi ni papa?" -tanong ko " ingatan daw kita" -sagot niya habang naghuhugas ng mga plate. "ahhh.. wala kang gig? "-tanong ko " meron 11-1. pero hatid muna kita bago ako pumunta ng bar. " -sagot niya. Tumingin ako sa wallclock and 5:10 palang. " natutulog ka pa ba? pwede ba kong sumama sayo mamaya?"tanong ko sabay tumingin siya sa akin ng nakangite. "Are you serious? " Ngumite siya. Tumango ako, halatang na'excite. " uuwi muna ko para maligo and para kumuha ng damit .But, gusto ko matulog ka muna para makapagpahinga ka. Bahala na mamaya kung saan ako dederetso." " pero may pasok ka bukas diba? " -tanong niya habang nagpupunas ng kamay. " magha-halfday na lang ako. May tatapusin lang na konting paperworks na pending tapos uwi din ako agad. May sched ka ba bukas?" -tanong ko " tomorrow? sa malate ako bukas. 7-10" - umupo siya banda sa harap ko. Napapatingin ako sa labi niya. Parang bumabagal ang oras " if you want kumuha ka na ng gamit mo tapos dito ka muna mag stay habang wala kang kasama sa inyo."- alok niya, tumayo na ako. Kinuha ang cellphone at gamit ko. " sigurado ka? Oh pano uwi na muna ko para makabalik ako agad." Naglakad ako papuntang pinto. Kinuha yung susi sa sidetable na nakapatong. Siya nagbukas ng pinto. " hatid na kita" - alok niya. Umiling ako. "wag na, kaya ko to ! magpahinga ka dahil may special guest kang manonod sayo mamaya hehe "-biro ko sabay naglakad na ko papuntang elevator. Nakatingin lang siya mula sa pinto. Hinintay akong makapasok sa elevator --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD