Warning: SPG Content that is not suitable for young readers. —SUMMER RAYNE’s POV— Madilim na nang makalabas kami ng mall at pinauna na naming umuwi si Laura dahil gusto ni Greyson na isama ako sa pagsundo kay Alyanna. Huminto ang sasakyan at lumabas na kami. Hinawakan agad ni Greyson ang aking kamay habang naglalakad palapit sa kinaroroonan ng bar. Halos lahat ng tao ay gumigilid upang makaraan lang kami. His presence is too intense, that’s why he stands above the rest. Maingay at maraming tao ang nasa loob, siguro ay dahil Biyernes ngayon at panahon ng kasiyahan. Napatigil kami ni Greyson habang nakatingin sa center stage. Naitakip ko ang aking kamay sa labi dahil sa pagkabigla. Sa gitna ng stage ay nagsasayaw si Alyanna na halos lingerie nalang ang kanyang suot habang pinagpipiyes

