Ninya Buenavidez The room was quiet the moment I entered inside. But I can feel that it was not as quiet like before. Napaayos ako ng upo sa pagbukas ng pintuan. Pumasok si Rico at agad akong nahanap ng mga mata niya. Nagkatitigan kami ng ilang saglit bago siya umiwas at dumiretso sa walk-in-closet. Doon lang ako nakahinga ng wala na siya. Hindi ko alam ang gagawin, I want to take a half-bathe pero mukhang yun din ang gagawin niya kaya hindi muna ako gumalaw at hinintay siya. “I’ll be in the office,” paalam niya dala ang laptop at cellphone. Bumagsak ang tingin ko sa cellphone niya dahil umiilaw ito, it was not ringing like what happened in the parking area. Sigurado naka-silent na ang phone niya pero obvious naman na panay may tumatawag dito. Nilisan niya ang kuwarto at naiwan ak

