Ninya Buenavidez NILAPITAN KO si Amara when I noticed that Donya Celestial excused herself and went in the bathroom. Abala ito sa kusina at pag-aayos ng meryenda. Isinantabi nito ang cookies na kakatapos ko lang ilabas sa oven at ginitna ang dala niya. I don’t remember the names of the food she bought but I am familiar with them. “Masama ang sobrang tamis, Ninya.” Pinasadahan niya ako ng tingin bago sumilay ang tipid na ngiti at muling inusog sa gilid ang bake ko. My arms are crossed as I watched her like a housewife fixing the table. Ang galit ko ay kanina ko pa pinipigilan, how she welcomed herself like familiar to the house. Lalo na nung magsimula na siyang humawak ng mga muwebles at gamit sa kusina. “What are you doing here?” nilapitan ko siya at mariin iyung binulong. She r

