Ninya Buenavidez THE GUESTS GATHERED around us, nakangiwi at may pagkalito sa kanilang mga mukha na pinapanuod ang pagdating ng bisita ni Mayor Solero. “These are my guests… Harrieth seems to forget to invite them kung kaya inimbitahan ko na!” anunsyo nito sa mga tao. “Ninya, sumama ka muna kina Alejandro at Tita Constancia mo. Ako na ang bahala rito. Rico is with Alejandro.” Tito Harrieth trying to make me feel at ease when he holds my wrist. Gumuhit ang ngisi sa labi ni papa nang magtama ang mga mata namin. He is not alone, katabi nito ay ang dala niyang babae na may kasama pang dalawang bata at isang binatilyo na tingin ko at nasa edarang kinse. Ang suot nila ay hindi naayon sa okasyon, ngunit makikita mong pinaghandaan. Makulay at hindi maganda sa mga mata. “Who are they, Harrieth

