Alas dos ng madaling araw.
Naalimpungatan si Darling at napabangon. May narinig kasi siyang yabag ng mga paa na pabalik-balik sa labas ng kuwartong tinutulugan. Nilingon niya si Rodolfo at si Utoy na nakahiga rin sa iisang kama. Himbing ang pagkakatulog ng mga ito. Nagpasya siyang tumayo para alamin kung saan galing ang naririnig na ingay. Baka siguro ay patuloy pa rin ang pagtanggap ng lalaki ng mga taong walang masilungan sa buong magdamag. Balak niya sanang tumulong kaya dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pintuan. Bago niya pinihit ang door knob ay nilingon niya pa muna ang mag-ama. Nang pagsilip na pagsilip pa lamang niya sa labas ng kuwarto ay may humila na agad sa kanyang braso palabas roon.
Namilog ang kanyang mga mata sa gulat nang ipinid siya ng isang lalaki sa labas ng dingding ng kuwartong tinutulugan. Napatanghod siya sa mukha nitong napakalapit lang ng distansya mula sa kanyang mukha. Si Silver. Pinagmasdan niya ang kabuuan nito. Pawisan ito habang walang suot na pang-itaas. Napansin niyang may dala itong bote ng beer sa isang kamay, namumungay ang mga mata at amoy ang napakatapang na aroma ng alak sa hininga nito.
“Sir, anong ginagawa ninyo? Lasing ho ba kayo?” tanong niya sa mahinang tono ng boses. Pasimpleng inabot ng kanyang kamay ang door knob ng nilabasang kuwarto upang dahan-dahan iyong isarado.
"Tell me, why did you changed your mind all of a sudden?" may pagbulong rin na tanong ni Silver. Sa tono ng pananalita nito ay may hinanakit itong nararamdaman kaya’t hindi sinagot ang naunang tanong ng kaharap.
"Sir, matulog na ho muna kayo, bukas kapag hindi na kayo lasing, tsaka tayo mag-usap." sambit niya habang bahagyang itinutulak ang katawan nito palayo.
“Hindi ako lasing, nakainom lang,” pagkokorek nito sa sinabi ng babae. Sinadaya nitong ilapit ang mukha dito na tila nanunuya. “At bakit iniiba mo ang usapan?” banas na dugtong pa nito.
"Hindi ko ho iniiba ang usapan. Ayoko lang makipag-usap na ganyan kayo," iniiwas niya naman ang mukha pero kahit anong iwas ay nakasunod ang mukha nito na konti na lang ay halos mahahalikan na siya.
Tila ba napikon si Silver sa mga pag-ilag na iyon ng babae. Nagtagis ang panga nito. Itinaas ang kamay, ikinuyom at bahagyang ipinalo ang gilid ng kamao sa dingding. “Kaya nga ako nagkakaganito dahil sa iyo," paghihimutok nito.
Napapikit siya ng mga mata sa ginawa ng lalaki. Kasunod noon ang pagtingin ulit sa paligid kung may nakarinig ba sa ingay na ginawa nito.
Kumilos ulit si Silver para ilapat ang isang braso sa dingding kapantay ng ulo, tsaka nito idinikit ang noo doon. Sa itaas ng tenga ng babae ay nagsalita ulit ito. “Gusto kong malaman, anong ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina?” pangungulit na tanong ulit nito. This time ay may pag-uutos na iyon.
Napabuntong hininga siya. Sa mga nagdaang araw na hindi nila pagkikita ng lalaki ay nakapag-isip-isip siya. Aminado ang sarili na may namumuo na siyang espesyal na pagtingin dito ngunit kung ipagpapatuloy niya iyon ay magiging kumplikado lang ang lahat. Kamakailan kasi ay nagtalo ulit sila ni Rodolfo at ipinamukha nito na kahit pa makatakas siya sa kamay nito at mapunta sa ibang lalaki, ay hindi rin sila patatahimikin ng mga magulang kapag nalaman. Nakalusot lang naman siya sa mga ito dahil umiwas sila sa maraming tao at nagtago sa liblib na lugarsa loob ng mahabang panahon. But knowing na kilala ang lalaki at ang angkan nito sa lugar na iyon malabo na hindi siya matunton ng mga magulang ngayon. Ilang araw pa nga lang siyang nagtatrabaho sa poder nito ay may nakakilala na sa kanya at nagawang isumbong siya sa mga pulis, paano pa kaya kapag lumantad na siya bilang karelasyon ng lalaki? Siguradong susugod ang buong angkan niya doon at kukuyugin ito dahil nga noon pa man ay may itinakda na ang mga magulang na siyang mapapangasawa niya. At ayaw niyang mangyari iyon. Ayaw niyang magulo ang tahimik na buhay ni Silver dahil lang sa kanya.
"Ano? Bakit hindi mo sabihin sa akin?" tanong ulit ng binata nang nanatili siyang tahimik. “Susubukan ko namang intindihin, pero hindi ko maipapangako na papayag ako sa desisyon mo.”
Napatingin lang siya sa mga mata nito.
"Darling, hinayaan mo akong halikan ka. Hindi ka pumalag, and yet you kiss me back. Now ipaliwanag mo iyon sa akin. Hindi ba ginusto mo rin iyon? Hindi ba may pagtingin ka rin sa akin?" pagkukumbinsi nito sa kausap.
Umiling iling siya. Hindi naman sa hindi siya sumasang-ayon sa sinabi nito kung hindi naiinis siya sa sarili dahil hindi niya pa kayang sabihin ang lahat dito. Paano ba niya maipapaliwanag sa lalaki ang kasalukuyang sitwasyon nang hindi magiging kumplikado ang lahat? "It was just a mistake," saad niya na lang.
"No! It wasn't a mistake!" buong pagsalungat nito sa sinabi ng babae. Dahil doon ay naitaas nito ng bahagya ang boses.
Bigla niyang natakpan ng kamay ang bibig nito. Napatingin ulit siya sa paligid sa pag-aalalang this time ay baka may makarinig na sa kanila.
Kumilos ang kamay ni Silver upang hawakan ang kanyang kamay. She was surprised nang buong pagsuyong hinalikan nito ang palad na ginamit niya sa pagtakip sa bibig nito. Paulit-ulit. Naramdaman niya ang malalambot na labi nito na dumadantay sa kanyang balat. Hindi niya maikakaila na tila natunaw ang puso niya. It was the sweetest gesture. Konti na lang ay bibigay na siya ulit dito nang mapagpasyahang ibaba ang kanyang kamay at ilayo iyon mula sa bibig ng lalaki.
Madiin na naipikit ni Silver ang mga mata sa prustrasyon. Dahil doon ay tinungga nito ang bote ng alak na dala-dala. "Darling, iba ang ipinaramdam mo sa akin that time. Gusto mo bang gawin ulit natin para maalala mo?" kumilos ito at yumuko upang abutin ng labi ang mga labi ng babae.
Samantalang ipinaling niya ang mukha para iwasan iyon. "Sir, hindi n'yo ba maintindihan? May sarili na akong pamilya. Paano kung malaman ni Rodolfo ang lahat ng ito?" pinipigilan niya ang sarili na huwag ilakas ang boses. Nagpakita siya ng galit sa lalaki baka sakaling makumbinsi ito na buo na ang desisyon niya.
"Eh, ano naman?” saad nito na inayos ang pagkakatayo para salubungin ang mga galit na tingin na iyon ni Darling. “First and foremost, hindi ako maglalakas ng loob na i-pursue ka kung nakikita kong pinapahalagahan ka niya, eh hindi naman. Are you happy with him? Hindi naman 'di ba?” may kompiyansa ang pagkakasabi nitong iyon.
Bigla siyang natahimik sa pahayag nito. May katotohanan ang mga narinig mula rito. Matagal na niyang pinagsisihan na sumama kay Rodolfo at pumayag sa set-up nito. Matagal na rin siyang nagbabalak na kumawala dito ngunit pinangungunahan lang siya ng takot. Kung maaari lang ay umalis siya sa poder nito at magpakalayo layo ng mag-isa para wala nang iba pang madamay. Nadagdagan kasi ang pagbabanta nito noong nakaraang pagtatalo nila. Nakapagbitaw ito na papatayin ang lalaking sasamahan niya. Knowing na takas ito sa bilangguan ay hindi malabong magagawa nito ang bagay na iyon.
“Sir, you don’t know me yet. Hindi mo pa lubusang kilala ang buong pagkatao ko,” muli niyang pinakatitigan ang mga mata ng lalaki.
“Bakit? Ano bang meron sa pagkatao mo? Tell me,” matapang na sinalubong ni Silver ang mga titig na iyon.
“Sir naman,” sa prustrasyon ay nailaglag niya ang mga balikat. Tila pagod na siyang makipagtalo dito.
Naramdaman naman ng binata ang bigat sa dibdib ng babae. “Im sorry,” saad nito na ibinaba na sa sahig ang dalang bote ng alak. Kinuha nito ang mga kamay ng babae at hinawakan ng mahigpit. “But what we have is something truly special, I know it. Huwag mo lang pipigilan, please,” sambit na ng lalaki ng buong pagsusumamo. “Darling, alam kong bawal itong ginagawa ko. Mali na minahal kita dahil may asawa at anak ka na. But the hell I care. For the very long time I felt this feeling again, at mas matindi pa kesa sa naramdaman ko sa ibang babae noon. This time ayoko ng hayaan na mawala iyon. I love you. Please, gagawin ko ang lahat. Kung gusto mong itago ang relasyon natin, that's fine, okay lang sa akin kahit masakit. Yet somehow, for some reason ay may nagdidikta sa isip ko na ipagpatuloy ang nararamdaman ko para sa iyo,” mahinahon ang pagkakasabi noon ng lalaki, may senseridad, may paninindigan.
Walang ano-ano ay tumulo ang mga luha niya sa mga mata ng hindi niya namamalayan. Naiinis siya sa lalaking ito, gusto niya itong sampalin para matauhan, pero hindi niya magawa. Paano’y sa kaibuturan ng puso ay gusto niya ang naririnig mula dito. Sandaling nagtalo ulit ang isip niya sa mga oras na iyon. Ano ba ang ginagawa niya? Bakit pa ba niya pinipigilan ang sarili eh sa totoo lang kahit anong pilit niyang paglayo sa lalaki ay lalong nagsusumisidhi pa ang nararamdaman niya para dito.
“I will not let go, Darling. Just please, let me love you,” muli pa ay sambit nito sa napakalambing na tono ng boses.
Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na niyang iwinaksi sa isipan ang mga agam-agam. Ikinilos ang mga kamay upang higitin ang katawan ng lalaki palapit sa kanyang katawan. Kinuha niya ang mukha nito at wala nang pag-aalinlangan na hinagkan ang mga labi nito.
Mapusok ang ginawa nilang paghahalikan. May pagkagat na iyon at pagsipsip ng mga labi. Tila buong galak rin na naglikot ang mga dila nila sa loob ng mga bibig nang magtagpo ang mga iyon. Naikapit niya ang mga braso sa leeg ng lalaki at idiniin pa ang mukha nito sa sariling mukha. Nagsimula namang gumapang ang kamay ng lalaki sa likuran niya sa ibabaw ng kanyang suot na pantulog at nagtuloy-tuloy sa pagbaba sa kanyang balakang at puwetan. Natigilan siya sandali sa ginawa nito at pumasok ulit ang mga paalala ng mga magulang sa mga ipinagbabawal na gawain. Ngunit mas matatag na ang sarili ngayon na balewalain ang mga iyon. Mahal niya ang lalaki at paninindigan ito ano man ang mangyari.
Nasa gitna sila ng paghahalikan nang ilang saglit pa ay may narinig silang paglakad sa loob ng katapat na kuwarto. Agad na hinawakan siya ng lalaki sa mga hita upang buhatin. Dinala siya nito sa sariling silid nang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi. Samantalang, mula sa loob ng inookupang kuwarto ay sumilip si Rodolfo para alamin kung anong ingay ang naririnig mula sa labas. Nang makitang walang tao sa pasilyo ay agad na rin itong pumasok at hinintay si Darling na makabalik ulit sa higaan datapwat hindi naman nagtagal ay bumalik ulit sa mahimbing na pagkakatulog.
Hindi na naghiwalay pa ang katawan nila Darling at Silver noong gabing iyon. Dinala siya ng binata sa higaan nito upang samantalahin ang mga oras na kasama ang babae. Doon ay pinakiramdaman nila ang init ng mga katawan sa pamamagitan ng pagyakap at pag-angkin sa mga labi ng bawat isa. Sa isip nila, everything will happen at the right time. For now, they will savour the moment na nasa bisig ng bawat isa, dama ang bawat t***k ng mga puso. This time they are certain na sabay nilang paninindigan at ipagpapatuloy ang nasimulang pag-ibig na nakalaan para sa isa’t isa.