“Walanghiya ka, Silver! Ilabas mo ang asawa ko!”
Malalakas na pagkalampag sa pintuan ang naulinigan ni Darling habang naghahanda siya ng hapunan, ilang araw na rin ang nakakalipas. Agad niyang naitigil ang ginagawa at muling pinakinggan ang tila nag-aamok na isang lalaki sa labas ng bahay ng kasintahan.
“Silver, harapin mo ako! Kung ayaw mong sirain ko itong pintuan mo!” ang mga pagpalo sa pintuan ay sinamahan na rin nito ng mga malalakas na pagtadyak.
Sa narinig na ingay ay nataranta na ang babae. Kilala niya ang boses na iyon. Si Rodolfo. Sabi na nga ba at darating din ang araw na susugod ito doon at mag-eeskandalo pagkatapos niyang hindi na muling magparamdam dito. Tinigil niya muna ang ginagawa at nagpalakad lakad paroot-parito sa kusina. Ano ba ang dapat niyang gawin sa mga oras na iyon? Ayaw niya namang buksan ang pintuan dahil bukod sa mag-isa lamang siya na nandoon ay malayo rin ang kinaroroonan ngayon ng kasintahang si Silver. Hindi siya basta-basta makakatakbo rito para humingi ng tulong. Kasalukuyan kasing nasa rancho ang lalaki, pinupulong ang lahat ng mga tauhan tungkol sa nangyaring pag-atake ng isang di kilalang tao na siyang nanglason sa mga alaga nitong hayop.
“Gag* ka! Ibalik mo sa akin ang asawa ko! Pagkatapos kong payagan si Darling na magtrabaho sa iyo, ay aahasin mo lang pala!” mahahalata na medyo lulugo lugo si Rodolfo. Ilang araw na rin nitong pinag-iisipan ang pagsugod sa bahay ni Silver dahil may nakapagsabi nga dito na namataan daw ang babae sa bahay ng binata. Sa araw na iyon ay uminom ito buong maghapon para lang palakasin ang loob.
Samantala, pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ng lalaki ay tila ilang minuto siyang hindi nakagalaw. Malakas ang kabang nararamdaman niya sa dibdib dahil siguradong hindi titigil si Rodolfo hangga’t walang humaharap dito. Paika-ika siyang lumakad upang silipin ang lalaki mula sa bintana. Doon ay nakita niya agad ang galit na galit na reaskyon sa mukha nito. Bahagya pang namilog ang mga mata niya nang kasalukuyan ay may hawak na itong malaking bato sa kamay at balak nang ipukol sa katabing bintana ng pintuan ng bahay ng kasintahan.
Nataranta siya lalo kung kaya nabuksan niya ang katapat na bintana upang sigawan ang lalaki at patigilin na sa pag-aamok.
“Rodolfo, ibaba mo ‘yang hawak mo! Alam mo naman sigurong tuluyan ka nang makukulong once na manira ka ng pag-aari ng iba!” pinanlakihan niya ito ng mga mata.
“Oh, Darling! Andyan ka lang pala!" Mapakla ang pagkakangiti na binigay nito sa babae. "Lumabas ka diyan! Umuwi ka na sa bahay natin, hinahanap ka na ni Utoy,” mariing utos pa nito.
“Rodolfo, tigilan na natin ang pagpapanggap. Wala nang kapupuntahan iyon. Huwag ka nang mag-aksaya pa ng oras, hindi na ako uuwi--,” hindi pa man siya tapos sa pagsasalita ay nakita niya ang pagbato ng lalaki sa bintana at pagbasag noon.
Nagtagis ang mga bagang niya sa galit. Kahit pa iika-ika pa ay mabilis niyang narating ang pintuan, nabuksan iyon at agad na sinugod ang lalaki.
“Ano bang problema mo? Nahihibang ka na ba? Hindi mo ba naaalalang nagpapanggap lang tayo? Wala tayong relasyon, Rodolfo!” pinagtutulak niya ang lalaki papalayo sa bahay habang dinuduro ito.
Matapang naman na tila hindi natitinag si Rodolfo mula sa pagkakatayo. “Hindi mo na rin ba natatandaan ang sinabi ko? Hindi ako papayag!” saad nito na nanlilisik ang mga mata. “Tara, umuwi na tayo!” he grabbed her wrist, at hinila ang babae palabas sa malaking bakuran.
“Rodolfo, ano ba! Bitawan mo ako! Hindi na ako babalik doon, hindi mo ako asawa!” ilang beses niyang iwinasiwas ang kamay.
“Asawa kita. Iyon ang pinagkasunduan natin, hindi ba? Maayos pa ang pagsasama natin noong nakaraan eh, sumulpot lang ang lalaking iyon!”
Nagpatuloy siya sa pagpupumiglas nang sa wakas ay mabawi ang braso. Dahil doon ay hindi na siya nagdalawang isip pa na magpakawala ng isang malakas na sampal na dumapo sa kaliwang pisngi ng lalaki.
“Gumising ka na, Rodolfo! It’s over! Hindi mo na ako mapipilit na pakasamahan ka! ” bulyaw niya dito para matauhan.
“Bakit? Anong rason? May nangyari na ba sa inyo? Nagalaw ka na ba niya?” nanggagalaiting tanong nito. "Kunwari ka pang ayaw magpatabi sa akin, ni hawak sa kamay nandidiri ka, pero sa ilang linggo pa lang na pagkakakilala mo sa lalaking iyon nagpak*nt*t ka na! Anong klase kang babae? Naging prinsesa ka pa na itinuring, pakawala ka rin pala!”
Sa mga narinig na panglalait sa kanya ng lalaki ay mag-asawang sampal na ang pinakawalan niya sa mukha nito.
“Wala kang karapatan na husgahan ang pagkatao ko, Rodolfo! Eh ano ngayon kung may nangyari na sa amin, wala ka nang pakialam doon!” ang mga huling salita ay pinagdiinan niya.
Sarkastiko itong napatawa kasabay ng marahang pag-alog ng ulo na tila ba nahilo sa pananampal na ginawa ng babae. "Sabi ko na nga ba. Basta nakatikim na, hahanap-hanapin na!" saad pa nito.
"Umalis ka na dito kung ayaw mong ako mismo ang tumawag ng pulis para ipakulong ka!" may panggigigil niyang turan.
"Hindi ako aalis hangga't di ka kasama!" saad nito. "Two years, Darling! Two years kitang tinulungang makapagtago, tapos sa ganito lang matatapos ang lahat?"
"Bakit, sa dalawang taon ba na iyon ay hindi ka rin nakinabang sa akin?"
"Hindi! Hindi kita napakinabangan!" ani pa nito na dinuro ang babae. "Matagal kitang ginalang Darling! Kahit kating-kati na ako sa iyo, nirespeto pa rin kita. Kung alam ko lang sana na bibigay ka kaagad sa isang lalaki, ipinilit ko na sana ang sarili ko, may napala pa ako sa iyo!"
Sa sinabi nito ay nanindig ang kanyang mga balahibo at tila umakyat ang dugo niya sa ulo sa matinding galit. Noon pa pala talaga ay pinagnanasahan na siya ng lalaki.
“Walang’ya ka!” sinugod niya ulit ito para paghahampasin sa dibdib pero agad rin naman nahawahan ng lalaki ang kanyang mga braso.
“Ako, walang hiya?" nangangalit ang bagang nito sa hinanakit na nararamdaman. "Sige. Mas maganda siguro na panindigan ko na lang ang mga sinasabi mo. Pagbibigyan ko na lang ang sarili ko sa mga pagpapantasya ko sa iyo, tutal naman hindi ka na virgin 'di ba. Matikman ka man lang bago kita pakawalan,” ngumisi ito ng nakakaloko kasabay ng pagsunggab kay Darling. Hinawakan ulit nito ang dalawang braso ng babae at inilapit ang mukha sa mukha nito.
“Rodolfo, bitawan mo ako!” nagpupumiglas siya habang iniilag ang mukha. Malaking tao rin si Rodolfo kung kaya hindi madaling makawala dito, dinagdagan pa ng muling pagsakit ng kanyang na-injured na paa.
“Halika! Dito tayo sa loob, para mas romantik.“
Hinatak siya nito papunta sa loob ng bahay ng kasintahan. Hila naman ang paa na wala na siyang nagawa. Pagdating sa living area ay itinapon agad siya ng lalaki sa sofa. Medyo nakaramdam pa siya ng pagkahilo nang tumama ang ulo sa gilid ng arm rest ng upuan. Sa kabila noon ay agad siyang bumangon.
"Huwag mong gagawin iyan Rudolfo, alam mo ang kaparusahan kapag ginawa mo 'yan sa akin," pagbabanta niya na dito. Bilang isang prinsesa ay pwede niyang patawan ito ng kamatayan kapag hinalay siya ng lalaki.
"Matagal ko nang naisip yan, Darling. Kaya nga nagtagal ka sa bahay nang wala pang nangyayari sa atin eh. Ang takot ko lang noon," saad nito na sarkastikong nagtatawa. "Pero hindi na ngayon. May maniniwala ba sa iyo kung sasabihin mong pinagsamantalahan kita?" bilis-bilis nitong inalis ang sinturon at sinunod ang pag-unbutton ng pantalon.
Bumilis pa lalo ang mga pagtibok ng puso niya sa kaba. Mukhang tototohanin talaga ng lalaki ang binabalak. Nag-isip siya kung ano gagawin. Natatandaan pa naman niya ang mga pinag-aralang self defense noon pero parang hindi niya kayang kumilos ngayon, tila kasi nanghihina ang mga tuhod niya sa takot. Pero kailangan niyang lakasan ang loob. Walang ibang tutulong sa kanya kung hindi ang sarili niya lamang. Dahil doon ay ilang beses siyang humugot ng buntong hininga para makakuha ng kumpyansa sa sarili. Matamang na pinagmasdan niya lang ang lalaki at hinintay na lumapit sa kanya, at nang akma na siyang susunggaban ulit nito ay pinagsama-sama niya ang lakas ng katawan para tadyakan ito sa bandang tiyan.
Napatimbuwang ang lalaki kasunod ang pagtama ng likuran nito sa lamesang nasa gitna ng sala. Samantala ginamit niya ang pagkakataong na iyon para makatakas. Tumakbo siya palabas sa pintuan, pero dahil sa sakit na nararamdaman sa paa, hindi pa man nakakalayo ay nakatayo na ang lalaki at nahablot na agad ang kanyang suot na malaking t-shirt na hiniram pa kay Silver.
"Tatakas ka pa ha!" saad nito na agad siyang ibinalik sa sofa. Doon ay sinikmurahan siya nito na sa lakas ay muntik na niyang ikasuka. Sapo ang tiyan nang sunggaban ulit siya ng lalaki. Pinaghahalikan siya nito sa leeg habang ang isang kamay nito ay hawak ang kanyang braso at pinipigilan ang kamay mula sa pagkalmot sa mukha nito. Ang isa ay nakahawak naman sa kanyang panga.
Sa kabila ng nararamdamang sakit sa tiyan at paa ay tinapangan niya pa ang sarili. Hindi niya bibigyan ng pagkakataon na tuluyang maangkin siya ng lalaki. Sa mga nagdaang sandali ay tinigilan niya ang pagpupumiglas. Tila nag-enjoy naman ang lalaki na pakasimsimin ang kanyang leeg. Nang makawala na ang kanyang braso mula sa pagkakahawak nito ay hinawakan niya ito sa balikat, bumwelo at malakas na tinuhod ang bayag ng lalaki. Muli siya nitong nabitawan at tila nagtatalon habang sapo ng dalawang kamay ang nasaktang pribadong parte ng katawan. Binilisan niya ang pagkilos para makalayo mula rito ngunit nahawakan nito ang kanyang buhok. Hinila siya ng lalaki pabalik at nang makaharap ulit ito ay buong lakas siya nitong sinampal sa mukha. Sa liit niyang iyon ay parang tumilapon ang kanyang katawan at pagbagsak niya sa marmol na sahig ng bahay ay nawalan na siya ng malay nang unang tumama roon ang kanyang ulo.
Suminghot ang lalaki habang nakangiting pinagmasdan lang ang walang malay na si Darling. Hawak pa rin ng isang kamay nito ang nasaktang pag-aari ngunit hindi na nito iyon ininda nang ayusin sa pagkakahiga sa sahig ang babae at ibuka nito ang mga hita ng dalaga. Sa suot na itim na shorts ni Darling ay lalo pang bumalandra sa harapan nito ang mapuputing hita ng babae.
Nahimas nito ang alaga sa loob ng pantalon at tila ba naglalaway na dinilaan ang mga labi sa magandang tanawing nakikita. Ipinagpatuloy na rin nito ang paghuhubad sa pang-ibabang saplot. Sa mga sumunod na sandali ay tila ba pinapak nito ang isang napakasarap na dessert na nakatiwangwang lang sa harapan.
Samantala, buong pagtataka ang namutawi sa mukha ni Silver pati na sa isang kasamahang trabahador noong mga oras na iyon nang madatnan ang nakabukas na pintuan ng bahay nito, pati na ang nagkalat na basag na salamin ng bintana sa porch. Agad itong sinakluban ng takot sa dibdib nang maalala na baka bumalik na ang pinsan ng babae upang kunin ito. Sinenyasan nito ang kasamang lalaki na huwag gumawa ng ingay, kasunod ang pag-uutos na manatili lang sa labas ng bahay at tumawag na rin ng pulis. Sa pagkakaalam nito ay hindi pa tapos ang naka-file na restraining order na inapila sa korte para sa mga lalaking iyon para hindi na sila gampalain pa ng mga ito. Pero alam niyang madalas ay binabalewala ang mga restraining order na iyon lalo na at pursigido talaga ang isang tao na maisakatuparan ang pangsariling kagustuhan.
Datapwat buong pag-iingat na naglakad si Silver upang hindi makagawa ng ingay ay dali-dali pa rin itong pumasok sa loob at hinanap agad ng mga mata ang mahal na kasintahan. Doon, sa bungad pa lang na parte ng sala ay nakita agad nito si Rodolfo, nakababa na hanggang sa mga hita ang pantalon habang nakapatong sa ibabaw ng walang malay na kasintahan. Sinusubukan na nitong alisin ang pang-ibabang saplot ng babae.
Galit ang agad ang namayani sa mukha ni Silver. Naikuyom nito ang mga palad at malalaki ang mga hakbang na nilapitan ang lalaki. Paglapit nito ay tsaka lang iyon napansin ni Rodolfo, paglingon nito sa likuran ay agad na dinaklot ni Silver ang balikat nito, iniangat ang katawan at agad na pinatama ang kamao sa mukha ng lalaki.
“Anong ginagawa mo, gag* ka!” nagtatagis ang mga bagang ni Silver na sinugod ulit ang lalaki nang magpatimbuang ito sa sahig.
Sa gulat ni Rodolfo ay hindi agad ito nakaimik. Ngunit sa isa pang suntok na pinakawalan ng binata ay tsaka ito tila natauhan.
“Ikaw ang gago! Ibinahay mo ang asawa ko!” saad nito habang sapo ng kamay ang napuruhang labi.
“Alam ko na ang lahat-lahat ng tungkol sa inyong dalawa, Rodolfo! Tigilan mo na ang pagpapanggap!” nanggagalaiting singhal ng lalaki habang paminsan-minsan ay nililingon ang kasintahan na expose na ang pribadong parte ng katawan. Sa galit na muntik na nitong pagsamantalahan ang kasintahan ay muli niya sana itong susugurin nang mabilis na tumakbo si Rudolfo sa bandang kusina.
“Hindi ako nagpapanggap! Mahal ko si Darling at hindi ako papayag na maagaw siya sa akin ng kahit na sino!” sa pagsasabing iyon ay nahagip ng paningin nito ang kutsilyo. Mabilis nitong dinampot iyon at iwinasiwas sa harapan ng binata.
“Ibaba mo ‘yan, Rodolfo, binabalaan kita!” natigilan naman si Silver na imbis na sugurin ang lalaki ay dahan-dahan na lamang nitong nilapitan ang kasintahan upang hindi na magawan pa ng masama ni Rodolfo. Sa pagkakataon kasing iyon na may hawak na itong pananggalang ay maaring gawing hostage ng lalaki ang dalaga. Isang bagay na maglalagay pa sa buhay ng babae sa kapahamakan.
Tiim ang bagang na naghihintay lang ng tamang oras para sumugod si Rodolfo. Mas matangkad si Silver dito at mas malaki ang kapa ng katawan pero dahil may dalang armas ay malaki ang kompyansa nito na mababawi ang babae. Kailangan lang nitong maitarak iyon sa katawan ng kaharap.
Samantalang nag-aabang lang si Silver sa pagsugod ng lalaki nang maya-maya pa ay maulinigan nila ang tunog ng papalapit na sasakyan ng mga pulis. Dahil doon ay naging desperado na si Rodolfo at mabilis na inandayan ng saksak ang binata. Paulit-ulit namang nakailag ang lalaki habang hindi lumalayo sa kinalalagyan ng dalaga. Ilang sandali pa, nang marinig nila ang pagparada ng mga pulis sa bakuran ng binata ay nataranta na si Rodolfo at dala ang kutsilyo ay agad na itong umeskapo.
Agad na nilapitan ng binata ang nakahandusay pa rin sa sahig na kasintahan. Inayos ang damit nito at agad na binuhat upang maisakay sa sasakyan at maidala sa ospital. Luckily, pagkalabas pa lamang ng bahay ay nagising na si Darling.