Sa mga oras na iyon ay panay ang pagkislap ng lente ng mga camera na nakatutok kina Amira at Ibrahim. Malaki ang pagkakangiti ng lalaki habang bumaba sa hagdanan at hawak sa isang kamay ng napakagandang dalaga. Tila may pagmamalaki pa itong iginala ang paningin sa ibang mga kaibigan at kamag-anak na siyang nakaabang na sa ibaba. Ilang minuto na lamang ay magiging kabiyak na nito ang Prinsesa, ang babaeng magiging dahilan upang tuluyang mapasakamay ang matagal na ring inaasam-asam na trono na magbibigay dito ng kapangyarihan na pamunuan ang majority ng mga Muslim sa lugar ng Maguindanao. Bago pa magmarcha papunta sa harapang stage kung saan mismo gagawin ang seremonya ay dumaan muna sila sa malaking hardin na nasa likurang bahagi ng establisyementong iyon. Doon ay nakaabang na ang una

