Narinig niya ang pagtatalo nina Silver at Fatima pagkalabas na pagkalabas pa lamang niya ng kanilang kuwarto. Katatapos pa lamang niya noong maligo at mag-ayos dahil may appointment siya maya-maya sa isang sikat na mananahi sa Manila para sa kanyang wedding gown. Nanatili siya sa labas ng pintuan at patuloy na pinapakinggan ang mga ito. Kanina, pagkatapos nilang mag-agahan ay nagpaalam ang lalaki sa kanya na kakausapin nito ang dating kasintahan at sasabihin dito ang napag-usapan nila kagabi. Obviously mula sa nauulinigang sigawan sa loob ng tinutuluyang kuwarto ng mga ito, na mismong tapat lang ng kanilang kuwarto, ay malinaw na malinaw na hindi ito pumapayag. Nagngitngit ulit ang inis niya sa babae. Hopefully pagkatapos ng pagtatalo ng mga ito ay makapagpasya itong umalis na lamang d

