Marky's POV Nagpunta kami sa isang sikat na theme park. Dahil sawa na daw siya sa mall at kung san sang kanto na lugar kaya dito ko siya niyaya. Gusto niya rin naman sumakay sa mga rides. Kumuha kami ng rides all you can na ticket. Sasakay daw kami sa lahat. "Sa'n muna tayo?' Tanong ko. Kinakagat niya ang kuko niya sa excite. "Sa star flyer muna tayo. Medyo bitin doon kaya yun yung unahin natin." Sabi niya. "Anong konek ng bitin doon?" Tanong ko. "Wala naman. Bakit kaylangan bang lahat ng bagay may connection?" Sabi niya. Hindi na ako nakasalita at hinigit niya nalang ako para pumila doon. Nasa harapan ko siya habang nakapila kami. ay sinasadya kong idikit yung akin sa likuran niya. Napapangiti ako kapag lumilingon siyang nakakunot ang noo. Uulitin ko na sana nang sikuhin niya ito

