MARKY'S POV "Kuya, Masakit ba leeg mo kaya panay iling ka?" Tanong ni Minzy na halatang malungkot. Hindi niya na naabutan yung boy tangkad na iyon. Bobo rin kasi itong kapatid ko. Alam niya na 'yun yung mahal niya pinili niya pang pakawalan. May sapak yata sa ulo. Pero yung panay ang iling ko ay dahilan ng palaging sumasagi sa utak ko yung nangyari kahapon sa simbahan. Nag-daydream ako sa isang mala-tomboy na babae. Kay Alexis. Yeah. The name. Boyish ang dating pero very faminine niya kahapon. Yun siguro ang dahilan kung bakit ako nagkaganoon. Umiling nalang ulit ako. "Wala. May naalala lang. Si Mama okay na ba?" Tanong ko. "Sabi ni mama okay na daw siya. Pero feeling ko malala na yung nararamdaman niya. Ayaw niya namang mag punta sa hospital." Ani Minzy. Si mama. Napaka igas ng ulo.

