Alex's POV
Pagkatapos ng nakakalokang vacation doon sa beach ay naloka ako sa nalaman. Nasa hospital pala ang pinsan ko kasama si Minzy. Don't know why? Baka na-lock sa pagjejerjeran. Yung gaya nung mga nabalitaang artista. Whatever. Naki-join nalang ako sa isang van na siksikan pa kami. At katabi ko pa yung nakakairitang lalaki. Na hanggang ngayon ay di ko parin kilala. Kilala ko na sila Ziggy yung maputlang guy, Si Zhander yung matangkad na guy, At si Faye na mukhang misteryosang babae. Sila lang pero itong lalaking yun ay never kong inalam. Pake ko naman sakanya.
Nag stay ako sa isang hotel. Since may hiya naman ako sa balat ay nagpasya akong wag na muna makitira kila Dave. Nakakainis lang dahil may mga manyak na lalaki sa katabing room ko. Eh nawalan ako ng sot nung nasa beach kaya nanghiram ako kay Faye ng short shorts at lose na damit. So iw kasi di naman ako ganito manamit. Agad kong hinubad ito nung nasa loob na ako ng hotel room.
Nainip ako kaya nagpasya muna akong magpahangin sa balconahe. Naisip kokung bakit nga ba ako nandito sa pinas ulit. Bakit nga ba? Dahil ba sakanya? Sa walangyang iyon? Sa walang kwentang nakaraan? Hahanapin ko ba siya? Diba naka-move on na ako? Bakit hinahanap ko pa rin siya. Sinaktan nya ako ng husto. At pinatunayan niya sakin na lahat ng lalaki ay pareparehongmanloloko. Katawan lang ang hanap nila. Pero naisip ko bakit ko sinuko ang bataan sa stranger na iyon? Waaah! Baliw talaga ako.
Kinabukasan ay naisipan kong manood ng PBA. Oh god ! Namiss ko 'to. Namiss ko si James Yap idol ko. Hapon na nung pumila ako sa labas ng court. Do or die kasi ang laban. Kaya maraming nakapila. May mga baduy pang banner yung ibang kampi sa kalaban.
"Nakita ko yung bulok na kupunan ng kalaban ng team natin. Mga weak naman sila." Narinig kong sabi nung isang lalaki na kampi sa kalaban ng sinusoportahan ko.
"Anong sabi mo?" Hinarap ko yung lalaking nanglait sa idols ko.
Pero ako na pala yung papasok sa loob. Kaya nag dirty finger nalang ako sakanya. Pasalamat siya ay kaylangan ko ng magandang spot para makanood ng basketball. Nakita kong magsisimula na yung laban. s**t! buti nakahabol ako.
"GO SAN MIG !!" Sigaw ng mga kababaihang nasa gilid ko.
Duh! Di nalang manood. Nagiingay pa. Pero Go San Mig ! Sa isip nalang ako mag checheer diba? Para di nakakahiya. Naka pantalon at jersy na number 15 ang soot ko. San Mig ang tatak. Siyempre naman. Gustong gusto ko talaga ang manood ng sports lalo na ang basketball. Pake ba nila kung magmukha akong tomboy! Maganda parin naman ako.
Marky's POV
"GO SAN MIGGGG !" Nakakairitang sigawan ng mga tao sa paligid ko.
Nanonood ako ngayon ng laban ng basketball. Papalipas oras lang ito. Mamaya totoka na ako sa bar. Simula nung vacation namin doon sa beach ay parang may kulang na sakin. Di ko alam. Parang may hinahanap akong kakaiba. Yung babaeng iyon pa. Oo babae na tawag ko sakanya. Pero mukha parin siyang tomboy.
"Go! Ginebra talunin nyo yang mga talunan na yan!" Sigaw ng isang lalaki.
Wala naman akong kinakampihan sa mga naglalaro. Bigla nalang tumayo ang isang babae. At pamiyar yung hugis ng katawan niya sakin. Tinuhog niya yung paa niya sa ulo ng nasa harapan niya. Yung sumigaw kanina.
"Ano ba ?!" Biglang tayo din ng lalaki sa harapan.
Naglean forward yung babae para hawakan yung kwelyo nung lalaki.
"Bawiin mo ang sinabi mo!" Sigaw ng babae.
"Ang alin? Na talunan yung Sanmig mo? Mga nerbyoso!" Sabi ng lalaki.
Lalong diniin ng babae yung pagkakkwelyo niya sa lalaki.
"Bawiin mo yang sinabi mo! Kung ayaw mong ipakain ko yang bayag mo sa'yo! Bulok na fan ng gaynebra! " Sigaw rin ng babae.
"Aba! Sumosobra ka na ha?" Sabi ng lalaki.
Nakita kong susuntukin na siya ng lalaki kaya agad akong bumaba para pigilan ito.
"Anong problema mo?" Tanong ko rito.
Nakita kong napatingin sakin yung babae. " t ikaw din? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa babaeng kasama namin sa beach.
"Ikaw pare, Anong problema mo?" Biglang baling sakin ng lalaking kasigawan ng babaeng unknown.
Bago pa ako makasagot ay may mga guard na ang nagpalabas samin.
"Kainis! Di ko malalaman na mananalo ang Sanmig.." Reklamo ng babae nung nasa labas na kami.
"At ikaw? Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?" Maangas niyang sabi.
Nakita ko ang atire niya. Tomboy nga siguro ang isang 'to. Binabawi ko ng babae siya.
"Nagpapalipas lang ako ng oras. Tomboy!" Sabi ko.
"Hindi ako tomboy! Atsaka, Kundi mo inawat yung lalaking yun ay nasuntok ko na rin yun.." Sabi niya.
Ngumisi ako bago magsalita. " Talaga? Eh naka iwas ka nga agad." Pang aasar ko.
"Ewan ko sa'yo. Jerk !" Sigaw niya at sumakay na ng kotse niya.
Tss. Nakakatuwa talaga ang babaeng iyon. Naisipan kong mag toka na sa bar na pinuhunan namin ng mga tropa ko.
Agad na may kumapit agad sa katawan kong mga babae nung pagkapasok na pagkapasok ko palang. Ganoon kalakas ang dating ko sa mga kababaihan dito.
"Pare, Out na ako. Ikaw na bahala dito." Paalam ni Kurt. Ang kasosyo ko sa negosyong ito.
Tinap ko yung braso niya bilang sagot.
"Okay girls, Enjoy muna kayo diyan. Laters. " Sabi ko at iniwan sila sa isang table.
Nung nasa counter na akoay may nahagip ang mata kong nagkukumpulan na mga kalalakihan. Inisip kong baka may gulo kaya pinuntahan ko agad.
"Anong meron dito?" Tanong ko.
Nakita kong nakahawak ang isang lalaki sa kwelyo ng pamilyar na babae. Siya nanaman?
"Bitiwan mo siya.." Utos ko.
"Oo nga bitiwan mo ako!" Sigaw din ng tomboy na iyon.
Tss. Napa-trouble nanaman ang isang 'to pero di naman kaya.
"Bakit sino siya?" Tanong ng lalaki
Sasabihin ko sanang ako ang may ari ng bar na kinatatayuan niya pero biglang nagsalita yung babae.
"He's my boyfriend.." Sabi ng tomboy.
"Anong.." Di na natuloy yung sasabihin ko nang nagsalita yung lalaking nakahawak sa tomboy na babae.
"Sinungaling! Kakasabi mo palang kanina na ayaw mo sa mga lalaki. Bakit sinasabi mong boyfriend mo siya?" Lalong diniin ng lalaki yung pagkahawak sa babae.
"Gusto mo ng proof?" Agad na kumawala sa pagkakahawak yung babae at dumiretso sakin.
Nanlaki ang mata ko nung nakita kong nakapikit siya at nararamdaman ang nakalapat niyang mga labi sa labi ko. s**t! bakit biglang nagwala ang katauhan ko?
"So, Naniniwala ka na?" Tanong niya sa lalaki at agad akong hinila paalis doon.
Nasa shock parin ako ng pagkabigla.
"B-bakit? Bakit mo ako hinalikan?" Tanong ko dito.
Hindi siya sumagot at binayagan ako.
"s**t ka!" Sigaw ko.
"Bakit di ka lumaban sa halik ko?" Sabi niya.
"Bakit ba?" Tanong ko. At iniinda yung tama sa bayag ko.
"Kasi.. Ano. Wala. Nakakainis kang lalaking ka!" sabi niya sabay labas ng Bar.
Buwiset na babaeng yun. Pero bakit ramdam ko parin yung labi niya? Nakakaaning kang tomboy na babae ka! Nasarapan ba siya sakin kaya ginusto niyang tumugon ako sa halik niya? Tss. Sabi na. Hindi siya iba sa lahat. Babae parin siya. At katawan ko lang din ang habol niya. Humanda ka sakin.