LEXIE'S POINT OF VIEW
Napasalampak naman ako sa sahig dahil sa lakas ng sampal sa akin. Tapos binatuhan pa nila ako ng itlog na hilaw. Aish. Kadiri. Buti na lang malakas katawan ko. Kahit medyo iniinda ko yung sakit. Medyo kumikirot lang naman.
"Buti nga sayo! Nerd ka!" Sabi nung isang epal.
As usual, nerd ka. Pabibo raw kasi at laging top sa klase kaya siguro ayaw na ayaw nila sa'kin.
Hinahayaan ko lang sila. Tsk. Okay lang naman yan sa'kin. At saka isa pa, para makita ko yung totoo sa akin. Yung totoo kong magiging kaibigan kahit ano man ang itsura ko.
Tawanan sila ng tawanan habang binabato nila ako ng itlog. Aray ha! Ang sakit kaya nung shell nun kapag natamaan ka. Lalo na pag sa ulo.
"HOY! ITIGIL NIYO YAN!" sabi ng isang pamilyar na boses. Akala niyo si Prince charming ko na? Hindi kaya. Haha.
"Tama na yan! Wala namang masamang ginagawa sa inyo si Lexie, ah!" Sabi naman ni Daph. Haha. To the rescue na ang mga Wonder Pets. Haha. Joke lang.
Kahit na mukha na akong ewan nagagawa ko pang matawa sa kanila ng patago. Hays. Kapag nakita ako ni Lay na tumatawa, yari na naman ako.
"LEXIE!" tawag sakin ni Lay.
"Yo." Sabi ko with matching salute pa. Batok naman ang inabot ko. Psh. "Aray ha! Akala ko iniligtas niyo ako?! Bakit parang kayo na ang nang-bully sa akin?!" Sabi ko. Psh. Naman kasi! Ang sakit-sakit na nga ng katawan ko eh tsaka puso ko. Charot. Haha. May gana pa mangbatok ang luka.
"Aning ka talaga! Halika! Magpalit ka na." Tinulungan naman nila ako tumayo at sinamahan papuntang locker room para makakuha ng damit na pamalit.
"Thank you nga pala. Haha. Ang ganda ng entrance niyo kanina. Hahaha!" Sabi ko sa kanila habang naglilinis ng katawan sa CR sa may locker room. Ang lagkit ko tuloy. Tsaka madami akong pasa sa katawan.
"Letse ka, Lexie! Di man lang kasi lumaban ang luka!" Sabi ni Jean.
"Ayoko eh." Simple kong sagot. Kapag lumaban ako baka kung ano pa ang magawa ko sa kanila.
"Psh. Hay naku! Ewan ko sayo! Pinag-alala mo kaya kami!" Sabi naman ni Perry.
"Aww. Ka-touch naman kayo!" Sabi ko. Lumabas na ako ng CR, nakabihis na rin ako.
*pok*
"Aray ha! Nakakailan na kayo!" Sabi ko. Aish. Ang sakit kaya.
"Baliw ka kasi. Kapag may nangyaring masama sayo lagot kami sa Daddy mo." Perry. .
"Sus naman. Hindi yun." Sabi ko naman.
"Tara na nga! Lagot na naman tayo dun kay Ma'am Demonita." Sabi ni Jean. Sighs. Ang sungit pa naman nun.
Bago kami pumunta ng room, dumaan muna kami sa may clinic para magamot yung mga iba kong sugat.
Linagyan ng nurse ng band-aid yung mga gasgas ko sa braso. Maliliit lang naman iyon pero madami-dami rin. Pumunta na kami sa room at pagkabukas namin ng pinto, napatingin silang lahat sa amin, ganun na rin yung limang asungot.
"Good morning, Ma'am!" Bati namin sa kaniya.
"At bakit kayo late?" Nakataas na ang kilay ni Ma'am Demonita.
"Sinamahan po namin si Lexie sa clinic." Pagpapaliwanag ni Lay.
"Bakit? Anong nangyari sa kanya?" Tanong ulit ni Ma'am.
"Ano ba kayo,Ma'am? Teacher o Reporter? Dami niyong tanong, eh." Biglang sabi ni Jean. Pfft. Narinig ko naman ang mga mahinang tawanan ng mga kaklase ko.
"Anong sabi mo, Ms. Riggs?" Sabi ni Ma'am.
"Wala po, Ma'am! Ang ganda niyo po talaga! Blooming kayo." Sabi ni Jean. Pigil naman ang tawa namin.
"Alam ko! Hala, sige! Pumasok na nga kayo!" Sabi ni Ma'am. Pumasok na kami at umupo na sa upuan namin. Katabi ko pa itong Collins na 'to. Kainis.
"Psst. Panget. Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya.
"Wala." Matabang kong sabi sa kaniya.
"Psh. Ewan ko sa'yo." Siege.
Nakinig na lang ako sa lesson at nagsulat ng mga notes. Iniinda ko pa rin yung mga sugat ko. Medyo nahihilo na rin ako. Aish. Hindi ko ba alam.
"Hoy, okay ka lang?" Tanong ulit ni Siege.
Tiningnan ko naman siya. Halata namang seryoso siya at nag-aalala.
"Namumutla ka." Sabi niya tapos hinipo niya yung noo ko. "s**t. Ang init mo. Ma'am!"
"Yes, Mr. Collins?" Sabi ni Ma'am.
"Uhh, dadalhin ko lang si Ms. Gavin sa clinic." Sabi niya. Aish. Ewan ko sayo, Siege. Ano bang ginagawa nito?
"At bakit?" Tanong naman ni Ma'am.
"Nilalagnat siya." Sagot niya kay Ma'am.
"Fine. Go ahead." Sabi ni Ma'am.
"Tara." Hinila niya na yung kamay ko at naglakad na kami papaalis. Pero bago kami umalis, tiningnan ko muna yung apat. Nag thumbs up lang ako sa kanila, para malaman nilang okay lang ako. Halata naman kasing nag-aalala sila sa akin.
Naglakad na kami papuntang clinic. Hilong-hilo na ako. Parang di ko na ata kakayanin kaya napahawak ako sa damit ni Siege.
Napatigil din naman siya.
"Siege..." Sabi ko.
"Ba-bakit?" Siege.
"H-hindi ko na ka-kaya..."
Then, everything went black.
"Ano ba?!"
"Ang ingay mo, Jean!"
"Ang pogi ko!"
"Ul*l. Dami mong alam, Garcia."
"Ssh! Ang iingay niyo."
"Sorry na, honey."
"Shut up."
Narinig ko ang mga boses ng mga babae at lalaki. Teka? Bakit may lalaki? Aish. Ang ingay. Ang sakit pa ng ulo ko. Grabe.
Unti-unti kong binukas ang mga mata ko. Shet. Nasa infirmary ako.
Ano bang nangyari?
"Waah! Lexie! Okay ka lang ba?" Sabi naman ng napakaingay na si Jean. Haha. May naisip ako.
"J-jean, ikaw ba yan?! H-hindi kita makita!" Pfft. Galing kong actress ano?! Haha.
"Waaah! Huhu. Lexie! Di ka na makakita?! Waaah! Hindi pwede!" Sabi ni Jean na mangiyak-ngiyak na. Boplaks talaga 'tong babae na 'to.
"Hala! Hindi na makakakita si Lexie!" Sabi naman ni Jacob.
Magkasabay na batok sa amin ni Lay. "Aray! Bakit mo ako binatukan?!" Sabi naman ni Jean.
"G*ga ka kasi! Mabubulag?! Eh nilagnat lang yan!" Sabi niya.
"Eh bakit ako binatukan mo rin?!" Sabi ko. Nakakailan na 'to ah!
"Ikaw namang babae ka. Pinag-alala mo kami!" Sabi niya. Haha.
"Ah. Ha-ha. Sorry naman." Nahihiya kong sabi.
"Oo nga. Baliw ka talagang babae ka!" Sabi naman ni Daph.
"Hay naku! Uminom ka muna ng gamot at kumain!" wika ni Perry.
"Hi Lexie. Okay ka na?" Sabi naman ni Jaydon.
"Eh? Oo. Okay na ako." Sabi ko.
"Mabuti naman. Nag-alala din kami sa iyo. Lalo na yung isa--Aray!" Naputol ang sinabi ni Raven nung batukan siya ni Siege.
"Haha. Wow. Ganun ba? Friends-friends na ba tayo? Haha. Pero, thank you." Sabi ko sa kanila.
"Huwag ka sa amin magpasalamat. Dun, oh." Sabi ni Cloud sabay turo doon kay Siege. Ah! Oo nga pala. Siya nga pala nagdala sa akin dito.
"Ah. Hehe. Thank you ng marami, Siege." nahihiyang wika ko habagn nakangiti.
"Psh." Sabay iwas ng tingin at biglang nag-walk out. Hala, may sinabi ba akong mali?
"Anong problema nun?" Tanong ko.
"Wala yun. Haha." Sabi naman ni Jacob habang natatawa pa
Kunot-noo akong nakatingin sa kaniya at pilit na iniintindi ang sinabi niya. Pero wala kaya ipisantabi ko na lang muna.