Chapter 2

1206 Words
LEXIE'S POINT OF VIEW Lunch na, lumapit silang apat sa akin. Naiinis kaming lahat. Dahil dun sa mga lalaking 'yun, nakakainis talaga! "NAKAKAINIS!" sabay-sabay naming bulalas. Nagkatinginan naman kami, na parang nagtataka at nagulat sa bawat isa. "Sino ba 'yang mga kinaiinisan niyo?" Tanong ko. "EDI YUNG LALAKING YUN!" Sabay ulit na sabi nila. "Sinong lalaki?" Tanong naman ni Lay. "EDI YUNG TRANSFEREE/THE TRANSFEREE!" and for the third time sabay-sabay ulit kami. This time, natawa nalang kami sa mga sarili namin. Pagkatapos, nagsalita naman si Perry, "Remember guys, about last week? Yung pumunta tayong mall? That is when I met that annoying guy!" Sabi niya. "Dun din 'yung sa akin!" And for the fourth time, we all said it in unison, again. In sync kami, ah. Ano 'to? So, ikinwento na namin 'yung about sa mall incident. FLASHBACK Nagyaya si Perry na mag-mall. Pumayag naman kami. Nag-shopping lang kami, pagkatapos no'n ay naisipan naman namin kumain. Humiwalay muna si Daph sa amin at pumunta ng bookstore. Si Perry at Lay ang pumunta sa may kakainan namin. Si Jean naman ay nag-CR muna. Ako ay pumunta sa Comic Alley. Nagtingin-tingin lang ako ng gusto kong bilhin, then I saw what I want! Yung jacket ni Trafalgar Law!! Huhu! Isa na lang siya! Pagkahawak ko ro'n ay may humawak din na iba. Hinarap ko naman siya. "This is taken." He said. "Yeah, it is taken. By me!" Sabi ko sa kaniya. "No. It's mine!" He said. Ayaw magpatalo ni Kuya, ah! "Akin nga!" Sabi ko. Aba! Kinalaban mo ata si Alexandria Astrid Venice F. Gavin. Tsk! Di ako papatalo, para sa buong bayan 'to! Chos! "Tingnan mo! Si Luffy, oh!" Sabi niya. Napatingin naman ako ro'n sa tinuro niya. Takte! Niloko niya lang pala ako para makuha niya yung jacket. Nakita ko siya sa may counter. Nabayaran niya na 'yung jacket. Langya mo! "Hoy, lalaki ka! Ang daya mo! 'Di pa tayo tapos! Tandaan mo 'yan!" Sabi ko sa kaniya. Ngumisi lang siya sakin. "I'm looking forward to that, panget." Wika niya, tapos umalis na siya. Bwisit! Ang sarap tanggaling 'yung ngisi sa pagmumukha niya! END "Nakakainis talaga siya!" Sabi ko. Kinwento ko sa kanila ang nangyari sa akin at dun sa Collins na 'yun! Tumango-tango lang sila sakin bilang sang-ayon. Aish. DAPH'S POINT OF VIEW Hello! Candice Daphney nga pala! Yung pinaka-matinong babae sa aming lima. Pagkatapos mag-kuwento ni Lexie. Ako naman ang nag-kwento kung pa'no ko na-meet 'yung epal na lalaking 'yun! FLASHBACK Humiwalay muna ako sa kanila at pumuntang bookstore. Susunod na lang ako sa kanila kapag nakita ko na 'yung librong gusto kong basahin. Pumasok na ko sa may bookstore nagtingin-tingin ng mga libro. Then, I found the book that I want to buy! The Fault In Our Stars. "Yes, finally! I found you, baby." Bulong ko sa sarili ko. "Psh. So you like John Green, huh?" Tanong nung isang guy. "Yeah." Nakangiti kong sagot. Good mood ako kasi mabibili ko na yung book na gusto ko. "Psh. Lame." Sabi niya. Habang umiiling-iling pa. "Excuse me?" Tinaasan ko siya ng kilay. What does he mean? "Well, I said it's lame. Puro Romance. Tsk. Try action novels, like, The Purge. Para may thrill." Pake ba nito? Sarap sapakin nito, ah! Tsk. "FYI lang, It wasn't lame. It just depends on your taste. Kung ayaw mo ng romance at sinasabi mong corny then, 'wag kang magbasa ng romance. Psh. Wala akong pake sa opinyon mo." Sabi ko sa kaniya ng medyo mataray. Sarap sapakin, eh. "Okay, if you say so. I'm just stating my opinion, though." Sabi niya ng nakangisi. Aba't! "Tsk. Right." Sabi ko. Then, kinuha ko yung libro at nagbayad na sa counter. Tumingin ulit ako ro'n sa may lalaki, nakangiti pa rin siya ng nakakaloko sa akin. I just rolled my eyes at him then I left. ~End~ Naiinis na naman ako dahil naaalala ko na naman 'yun. "Wow! Sinabi niya talaga 'yun?" Sabi ni Perry. "Daph. Haha..so, tama nga kami." Sabi ni Lexie. Ugh! Ayaw din nila kay John Green eh. Masyado daw kasing corny. Tapos naiiyak pa raw ako. Psh. Ewan. "Ewan ko sa inyo! Pangit kasi ng taste niyo sa libro!" Sabi ko. Tsk. Tumawa lang sila. Pabayaan na nga. PERRY'S POINT OF VIEW Hello! Peregrine, at your service. Pinaka-magandang babae sa balat ng lupa. Duh! So, ayun nga. Pagkatapos ni Lexie at Daph. Ako naman ang nagkuwento. FLASHBACK Kami ni Lay lang ang pumunta sa restaurant. Hinintay muna namin yung tatlo bago um-order. Si Lay naman ay naka-earphones lang. Ang hirap kasama nito mag-isa. May sariling mundo 'to eh. "Lay, CR lang ako, ah." Sabi ko sa kaniya. Pagkatayong pagkatayo ko, wengya! Nagkabangga kami nung isang lalaki na may hawak na tray. Natapon sa damit ko yung beef stew. Ugh! Oh my gosh! "What the fudge?! Do you know how much this dress cost?!" Nabulalas ko na lang dahil sa sobrang gulat ko. Medyo naiinis lang ako. Pero hindi ko na nakontrol yung mga salita na binitawan ko. Halata namang natakot yung lalaki. Napatayo naman si Lay dahil sa nangyari. "S-sorry, Miss. Hindi ko naman sinasadya, eh. Pasensya na talaga." Sabi niya tapos napakamot pa siya sa ulo niya. "Sorry?! Ugh! That's it! My day's so ruined because of you!" I said angrily. Then a guy came barging in the commotion. "Whoa, whoa. Chill lang, Miss. Hindi naman talaga sinasadya ng kaibigan ko 'yun, eh." Sabi nung guy na epal rin. "Perry, calm down," sabi ni Lay na hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala. "Hey, honey. You free tonight?" Sabi nung guy na umepal kay Lay. Aba't! Playboy ang loko! Napakunot naman ng noo si Lay. "The f*ck?! She said. "C'mon, baby. Don't be shy." wika nito sabay kindat. Pfft. Hindi ko ba alam kung matatawa ako o maiinis, eh. Kasi naman! "Tch. F*ck off. C'mon, Perry." Sabi ni Lay at hinila niya na ako papaalis. END "Pfft. Hahahaha! That guy! Haha!" Tawang-tawa na sabi ni Jean. "Ganun? So hindi na magku-kwento sa amin si Lay?" Tanong ni Lexie. Lay just nodded. "Nakakainis talaga sila! Lalo na yung Garcia na 'yun at David na 'yun!" Sabi ko. Hays. JEAN'S POINT OF VIEW This might be the worst encounter for me with a guy. I mean... grr! FLASHBACK Nag-CR muna ako bago pumunta sa may resto. Habang naglalakad ako papuntang Comfort Room. Nakabangga ako ng isang guy, or more on NABANGGA ako. Dahil sa lakas ng impact napasalampak ako sa floor. Pero yung guy hindi. Ang lakas niya ah. "Aray!" Sabi ko pagkabagsak ko sa floor. Nilagpasan man lang ako nung lalaki. Aba! Langya 'to ah. "HOY!" tawag ko dun sa lalaki. Napatigil naman siya at hinarap niya ako. "What? Me?" Tanong niya. "OO IKAW!" sigaw ko. "Psh. Keep it down. You're so godd*mn loud." Sabi niya. "Bakit hindi ka nag-sorry nung binangga mo ko?!" Tanong ko. "Tsk. Kung saan-saan ka kasi natingin. Kasalanan mo rin yun." Sabi niya sabay alis. "HOY!" Tawag ko pero di na siya lumingon at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Tsk. Nakakainis siya! END "Ang sungit nung Anderson na yun." Sabi ko sabay pout. "Oo nga. Tsk. Pasalamat sila gwapo sila." Sabi naman ni Lexie. "Oo nga." Pag sang-ayon namin. Nagkatinginan kaming lima at hindi makapaniwala sa sinabi namin. "Ano bang sinasabi natin?" Tanong ni Perry at ngumiwi. Naku yung limang yun! Tanda pa kaya nila kami? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD