LEXIE'S POINT OF VIEW Halos magda-dalawang araw na rin kami rito sa may hotel. Aish. Ayaw pa kasi nila akong palabasin. Sabi nila ay delikado pa at baka ako'y mapahamak. Para tuloy akong bilanggo rito. Bantay sarado talaga nila ako ngayon. Bigla namang tumunog ang phone ko. "Hello?" Sagot ko sa kabilang linya. Buti na lang at hindi nila kinuha yung phone ko at nakakapag-communicate pa rin ako sa ibang mga tao. [Turn on your T.V.] Sabi ni Lionel sa may kabilang linya. "Huh? Bakit?" Takhang tanong ko. Ano naman kayang gagawin ko sa T.V.? [Just do it.] Sabi niya. Sinunod ko na lang siya at binuksan yung T.V. sa may kwarto. When I turn it on, I saw the news that made my heart ache. Parang di ako makahinga. Ano na namang kalokohan 'to? JEAN'S POINT OF VIEW Nandirito kaming lahat

