LAY'S POV "Parang ang tagal naman sa cr ni Lexie?" Ani Bridgette. "Oo nga. Baka madami pa." Sabi ni Jean na ikinatakha natin. "Anong madami pa?" Tanong ni Cloud sa kanya. "Baka madami pa siyang idene-deposito kay Mother Earth." Ani Jean. Ano bang pinagsasabi nitong babae na 'to? "Ano?" Tanong ni Perry na hindi maintindihan ang pinagsasabi niya. "Madami siyang nakain!" Sabi ni Jean. Hinayaan na lang namin siya ngunit bakas pa rin sa mga mukha namin ang pagtatakha. Napatigil kami nang biglang may nag-doorbell. "Ayan na ata yung pagkain. Saglit lang ha." Wika ni Bridgette at umalis papunta doon sa may front door. "Nasaan pala si Siege?" Tanong ni Hubby ko. "May pakialam ba tayo ha?" Mataray kong sabi na ikina-urong niya. "Eto naman. Easy ka lang, wifey." Sabi niya sa akin a

