“Hey, gorgeous!” bati ni Leo sa akin nang tuluyan akong nakababa sa condo bitbit ang may kalakihan kong backpack. “Let me help you.” Kinuha nito ang backpack na dala ko at nilagay iyon sa backseat ng black pickup niya na gagamitin namin papuntang probinsya nila Mang Ben. Sa pagkakaalala ko ay ilang oras din ang biyahe papunta sa barangay nila kaya kinailangan talaga naming bumiyahe ng maaga nang hindi kami aabutin ng dapit-hapon. It was only six in the morning, so I’m sure wala pang 12PM ay nando’n na kami. “Thanks!” I said when Leo opened the passenger seat’s door for me. Pinagmasdan ko siyang umikot sa harap hanggang sa tuluyan siyang nakapasok sa driver’s seat. Even with his casual shirt and pants, umaapaw pa rin ang charisma niya. No wonder many women fell for him. “Why are you sta

