Wala pa rin ako sa sarili nang dumating si Piper sa restroom. Nagtataka niya akong tinitigan at tinanong kung ano ang nangyari sa akin. Pero hindi na ako naka-sagot sa tanong niya at kinuha na lamang ang clutch bag ko na dala-dala na niya. "Here, let me help you," insist ni P at siya na mismo ang umayos ng mukha ko. Lutang ako the whole time she was doing my light make-up. Na kay Oliver at sa kakaibang kilos niya pa rin tuma-takbo ang isip ko. I know the possibility of him liking me is zero, but still, pinaasa na naman niya ako! Muli na namang umangat 'yong pag-asa ko na dalawag beses bumagsak at nasira sa gabing iyon! Ang hirap nga naman talaga niyang basahin. Goodness, Oliver. You really know how to mess with my mind. I hope you are aware of that. Mabilis na natapos si Piper. Bago p

