Lumipas ang ilang araw na hindi na ulit kami nagkaroon ng communication ni Leo. Hindi na rin siya dumadalaw sa t’wing inaaya siya ni Piper…even sa office ko. And I wasn't expecting him to do so. Pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa, alam kong malaking dagok iyon sa pagkakaibigan namin. Our last communication affected what we had, and I never opened it up to Piper. Kahit nagtataka na siya sa nangyayari at tinatanong ako kung may nangyari ba no’ng huling kita naming tatlo, hindi ko pa rin siya magawang sagutin. I was pulled from my train of thoughts when the doorbell of my unit rang. Nagkalat ang kadiliman sa buong parte ng unit ko kagaya ng nakagawian, pero tumigil iyon sa parte ng nakasinding floor lamp sa sulok. Wala mang inaasahang bisita sa mga oras na iyon, inilapag ko pa rin an

