Days passed by quickly, then few hours before Christmas came. Tumawag si Papa kanina lang at sinabing hindi nga sila makaka-uwi ngayon o bukas, just as expected. Although I guessed it right, hindi ko pa rin maiwasang malungkot. But he also added na makakauwi sila ni Mama the day after Christmas so we can celebrate it kahit late na. "Kailangan kong umuwi, sorry Val. Tumawag din kasi si Mama," Piper, who was on the other line, said. Nasa kalagitnaan na siya ng biyahe pauwi sa probinsiya nila sa mga oras na iyon. She called me to tell me na gusto nga niya sanang samahan ako ngayong Pasko, but then, her mom called earlier at sinabing dapat umuwi siya for Christmas. Tita even asked about me since she knew na madalas ay mag-isa lang ako sa mga ganitong occasion. She also asked kung sasama ba

