"Thanks, L. Medyo nabawasan 'yong stress at pagod ko dahil sa pagpunta natin kina Mang Ben," pagod kong wika at inilapag ang mga gamit sa sahig. Kaagad kong binagsak ang katawan ko sa sofa at nilingon si Leo na dire-diretso lang sa kitchen island ng condo unit ko. "Hmm, mabuti na lang inaya kita," aniya, nakaharap ang likod sa akin. "You can sleep, Val. Ako na ang magluluto ng dinner natin." He looked over his shoulder and winked at me. Bahagyang umangat ang isang kilay ko sa kan'ya. "I thought aalis ka na 'agad?" "Nah." Muli siyang tumalikod sa akin at naglakad patungo sa ref. "Aalis din ako after dinner." "All right." I nodded and leaned my back on the sofa's backrest, then shut my eyes to take a nap. Aside from my even breathing, the only noise breaking the silence floating around

